Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Maaaring mapikon ka sa komento ng ibang tao. Posibleng gantihan mo sila.

Taurus  (May 13-June 21) Marami kang magagandang ideya ngunit nahihirapan kang piliin sa mga ito ang nais mong ipatupad.

Gemini  (June 21-July 20) Maaaring maging malambot ang iyong puso ngayon at madaling masasaktan.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Mahahawi na ang ulap at muli mong makikita nang maliwanag ang kinabukasan.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong pagiging malikhain ay malakas ngayon. Marami kang magagawa.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Magsusumikap kang ibangon ang buong istruktura nang mag-isa lamang. Ngunit bakit ka magpapakahirap kung mayroon namang handang tumulong?

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Huwag matatakot na magsagawa ng aksyon upang maipabatid ang iyong nais maiparating.

Scorpio  (Nov. 23-29) Huwag pipigilan ang sarili sa mga nais gawin. Bigyan ang sarili ng laya katulad ng ibon.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring itinatanong mo “Bakit ako?” Ngunit itanong mo ba sa  iyong sarili kung bakit sila ang dapat?

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Hugutin mo ang lakas mula sa iyong sarili. May taglay kang lakas para isulong ang iyong mithiin.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Sa simula, iniisip mong minamaliit ng isang tao ang iyong kakayahan, ngunit kalaunan mauunawaan mo na may maitutulong siya sa iyo.

Pisces  (March 11-April 18) Hindi ito ang tamang sandali para umasa sa iba na ikaw ay tulungan. Magsumikap para sa iyong sarili.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) May taglay na tapang ang iyong puso na handang makipagsapalaran sa ano mang bagay.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top