Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai, pinasaya ang entertainment press

Ai Ai, pinasaya ang entertainment press

NAKATUTUWA naman si AiAi Delas Alas nang kantiyawan siya ng ilang press people nang pasayahin niya ang nakaraang grand presscon ng  Kung Fu Divas nang mamudmod siya ng kadatungan at magpa-raffle  ng iba-ibang amount na almost P500,000.

Maganda ang sagot ni Ms. AiAi sa ginawa niya. Una dahil first time niyang nakasama sa isang masayang pelikula ang primetime star ng GMA7 na si Marian Rivera. Malaking bagay na ‘yun kay AiAi, at isinama na niya ang maraming suwerteng dumating sa buhay at ang maagang pagkauntog niya kay Mr. Jed. Parang pa-TY na lang niya ‘yun. At alam niyang sunod-sunod ang bagyo at kalamidad, feel niya na kulang din sa biyaya ang entertainment press at idinaan niya sa raffle, at least nga naman ‘di makaka-offend ang pamimigay niya ng pera.

Aniya, maliit lang naman pero kahit paano pamasahe para ‘di na maging kabawasan sa TF presscon given sa press. Yes! Salamat po!

(LETTY CELI)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top