Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / RCBC car loan agents palpak din!

RCBC car loan agents palpak din!

00 Bulabugin JSY
MUKHANG nagkakaroon ng hindi magandang kostumbre ang mga ahente ng car loan department ng mga banko.

Isa pang reklamo ang natanggap ng inyong lingkod hinggil na naman sa car loan.

This time naman ay car loan sa RCBC na ang ahente ay kilala sa alyas na ANGEL.

Isang BULABOG boy ang nag-apply ng car loan sa RCBC Ortigas Branch.

Isa sa mga garantiyang hiningi ng banko ay ang pag-iisyu ng 12 post- dated checks plus P5,000 na PADULAS para agad daw maaprub ang car loan.

Pero makalipas ang ilang araw ay wala rin nangyari.

So nag-decide ang BULABOG boy  na i-refund na lang ang mga TSEKE niya at ‘yung P5,000. Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naibabalik ang kanyang mga tseke at ‘yung P5,000 cash.

Pakengsyet!!!

Hay naku naman! Sa hirap siguro talaga ng buhay (gayon man hindi rin po sapat na dahilan ‘yan).

Paging RCBC Ortigas management, PAKIIMBESTIGAHAN  n’yo lang ‘yang agent ninyong si Angel … ilan na ba ang nabiktima n’yan!?

Ibalik ninyo ang TSEKE at P5k cash ng kliyente niya!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top