Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tito Sen, nang-Eat Bulaga na naman!

Tito Sen, nang-Eat Bulaga na naman!

00 Bulabugin JSY
KAYA naman pala walang kupas na kadedepensa ni Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kanyang senate bossing and buddy Juan Ponce Enrile ‘e kasama pala siya sa mga nagbigay ng pondo sa bogus na non-government organization ni Janet Lim-Napoles.

Sa ulat ng Department of Budget Management (DBM), sumulat sina Marcos at Sotto para ilaan ang kanilang DAP ‘reward’ sa Department of Agrarian Reform (DAR) na sa kalaunan ay inilipat sa National Livelihood Development Corp. (NLDC) at inendoso sa foundations ni Napoles.

Pero gaya ng ‘ALIBI’ ni Sen. Bong Revilla, sinabi ni Sotto na wala raw siyang alam sa nasabing sulat at maaaring pineke lamang ang kanyang pirma.

Ganito rin ang unang ‘ALIBI’ ni Sen. Bongbong Marcos. Sabi niya,  pineke rin ang kanyang lagda kasabay ng panggigiit na wala siyang kinalaman sa pork barrel scam.

Wala talaga kayong KAKURAP-KURAP … magsinungaling!

Ang lakas mo mang-EAT BULAGA, Senator SOTTO!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top