Thursday , December 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Million people march sa Makati City deadma sa mas malawak na mamamayan

Million people march sa Makati City deadma sa mas malawak na mamamayan

00 Bulabugin JSY

ESPONTANYONG protesta ang hinahananp ng ‘silent majority’ laban sa isyu ng pork barrel scam.

At dahil nagpakita ng ORGANISADONG PWERSA ang mga lumahok sa MILLION PEOPLE MARCH, marami ang hindi maganda ang impresyon, parang kinokopo raw ng grupong KALIWA.

Impresyon lang naman ‘yan…

Mas tinitingnan natin na ‘HILAW’ ang mga kilos-protestang anti-pork barrel.

Una, ano ba ang call o panawagan ng mga protesta? O sa ibang salita, ano ang layunin?!

Manggulat lang ba?! Manakot?! Ipakita na malaki ang pwersa na anti-pork barrel?

Ang isa pa sa napuna natin kahapon, malaki ang pwersa ng mga militanteng party-list.

Kaya mas marami tuloy ang kwestiyon. Hindi ba’t lumamon ‘este’  nakikinabang rin sila sa PORK BARREL ng kung ilang taon?

Kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit ‘MALUWAG’ ang nasabing protesta sa million people march sa Makati.

Ang isa pa ngang kakataka d’yan, nandoon sila sa harap ng rebulto ni NINOY, pero ang inuupakan nila ang anak na si NOYNOY.

Hik hik hik …

Dumami nga lang ang tao noong dakong gabi na dahil mayroon daw concert.

Kakaibang gimik nga ‘yan para sa mga gustong makaranas ng ‘iba naman.’

Anyway, ang masasabi lang natin, huwag naman sanang gasgasin ang ‘kapangyarihan’ ng isang ‘espontanyong malawak na protesta.’

Baka kasi kapag kailangan na talaga natin ‘yan ay tuluyan nang madala ang taong bayan.

Gamitin natin ‘yan sa tamang panahon nang buong lakas. ‘Yung isang beses lang pero pagkatapos ‘e KUHANG-KUHA natin ang ating LAYUNIN.

Pwede ba ‘yun mga ‘sawsaw-sukang’ protesters?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top