Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Isang opisyal ng MIAA cannot be reached kapag weekends!?

Isang opisyal ng MIAA cannot be reached kapag weekends!?

00 Bulabugin JSY
USAP-USAPAN sa MIAA ang isang opisyal na cannot be reached & cannot be located kapag weekends kahit daw may emergency situation sa airport.

Inilaan daw kasi no’ng opisyal ang weekends sa kanyang paboritong hobby (bisyo) – ang paglalaro ng MAHJONG at TONG-ITS.

Sa katunayan daw, may isang adjoining room daw sa isang exclusive club house ang opisyal na ginagawang gambling den tuwing weekends.

Talaga naman ha. Imbes mag-ikot-ikot ang nasabing opisyal sa mga terminal ng NAIA para naman makita kung ano ang kalagayan nila ‘e mas pinipili pang magsugal.

Hindi mo pwedeng ikatwiran na bakasyon ang Sabado at Linggo dahil 24/7 ang operation sa NAIA.

Mahiya ka naman Sir. Sinusweldohan ka ba para magsugal lang?

Ipakita mo naman na karapat-dapat ka sa pwestong hawak mo ngayon, hindi ‘yung panay kayo pasarap sa hobby mo.

Nakakahiya naman kayo!

Sabi nga ni PNOY, “saan ba kayo kumukuha ng kapal ng mukha nyo?”

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top