Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Echo, inisa-isa ang mga katangiang nagustuhan kay Kim Jones (At bakit naramdamang ito na ang babaeng pakakasalan)

Echo, inisa-isa ang mga katangiang nagustuhan kay Kim Jones (At bakit naramdamang ito na ang babaeng pakakasalan)

MAPAPANOOD na sa Oktubre 9 ang Alagwa ni Jericho Rosales nationwide kaya naman tuwang-tuwa ang aktor dahil maipalalabas na sa Pilipinas at gusto niyang mapanood ito ng kapwa niya Filipino.

Paliwanag ng actor, gusto niyang mapanood ito ng kababayan niya dahil noong ipalabas daw ito sa ibang bansa ay marami ang nagkagusto.

Sa ibang bansa ay tanggap ang indi films, sa Pilipinas ay iilan palang ang nakaa-appreciate ng indi films kaya’t halos karamihan ay hindi gaanong kumikita.

“I don’t want to under estimate the Filipino audience because alam ko na ang Filipino audience ay mahilig sa pelikulang may puso, may kabuluhan.

“At itong pelikulang ito (‘Alagwa’) dapat makita ng magulang, dapat makita ng mga bata, makita ng bawa’t isang Filipino dahil hindi lang ito sa nakatatakot o human trafficking, hindi.

“Tungkol ito sa relasyon ng mag-ama. You have to see Bugoy (Carino) sa big screen because napakagaling niya sa pelikulang ito. ‘Yung chemistry na in-establish naming mag-ama, it’s very heartwarming, ‘yung laugh, ‘yung cry at the same time, maho-hook ka sa story, so I don’t want to under estimate the appreciation of the Filipino audience, alam ko magugustuhan nila ito,” kuwento ng aktor.

Ang magagandang sinabi raw ng mga nakapanood sa Alagwa sa ibang bansa ay ganito,”it’s a powerful film, must-see, brilliant chemistry, all praises kay direk Ian Lorenos and one more question na natanim sa amin ay ‘yung pagka-indi nito kasi I think, perfect siya sa pagkakagawa ng istorya.”

Samantala, naikuwento ng aktor na para siyang nag-aral ng crash course sa Alagwadahil marami raw siyang natutuhan hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa para sa pag-produce ng pelikula.

“I had fun helping the production, kung sino ang artistang kukunin na perfect for the role, saan ang location, ganito ganyan. Ito ‘yung pelikulang pinaka-involved talaga ako, kaya it’s a great reward, so thank you,” kuwento ni Echo.

Ang aktor din daw ang kumausap kay Carmen Soo para sa isang importanteng role saAlagwa, ”yes, Carmen Soo, you know she spoke three languages here (pelikula), English, Tagalog and Mandarin or Cantonese. And ang galing niya, sobrang sipag niya na artista na hindi siya nagrereklamo kung gagawin niya o hindi. She took the challenge.

“Our fans are happy, in fact they’re planning for a block screening for us, uuwi siya (Carmen), she will attend the premiere night,” kuwento pa.

At sa tanong namin kung pinagselosan ni Kim Jones (fiancée ni Echo) si Carmen tulad ng ginawa ni Heart Evangelista noong isini-shoot nila ang seryeng Kahit Isang Saglit sa Malaysia na naging dahilan kaya tuluyang naghiwalay ang dalawa.

“Ay hindi, hindi, si Kim hindi selosa,”  natawang sagot sa amin.

Sa edad na 34 ay talagang buo na ang loob ni Echo na lumagay sa tahimik, ”buo na talaga loob ko.”

Paano naramdaman ni Echo na si Kim Jones na talaga ang gusto niyang makasama habambuhay sa rami ng babaeng nakarelasyon niya.

“Oo nga, eh.  Siguro isa na rin ‘yun sa raming nagdaan. Ibig kong sabihin sa rami, siguro napraktis ko na rin kung ano ‘yung mga bagay, siya lang ‘yung taong ‘pag-up ako, nandiyan siya, ‘pag-down ako, nandiyan siya, ‘pag nasa gitna ako’t alanganin ako, nandiyan siya. And she’s a solid person.

“It’s not all about me, you know ako lang palagi ‘yung nasa harap ng kamera, in fact in real life, she’s the star for me, she’s a wonderful person, she’s very talented pagdating sa lahat ng gusto niyang gawin.

“She’s unique and fun-loving, not many people know that talagang may pagkakolokoy din si Kim.

“At ang pinaka-gusto ko, endearing for me is malapit siya sa tao, ‘yung unang punta niya rito ang unang na-witness niya mga batang kumakain ng pagpag, so sumasama siya sa ganoong advocacy, tapos sa mga tao lagi siyang smile and nababansagang parang politiko, bati ng bati sa mga tao,” paglalarawan ni Echo kay Kim.

Samantala, natanong si Echo tungkol sa ex-girlfriends niyang sina Kristine Hermosa atHeart Evangelista kung sino sa kanila ang gustong makatrabaho ng aktor.

“Ganoon, ang hirap naman ng tanong, depende sa project. Puwede kong sabihin kung sino ang gusto ko, but I’d rather keep it to myself.

“Our fans always been there to support us (sa kanila ni Kristine) kung pag-uusapan ang fans namin ni Kristine, gusto kong ibalik sa kanila kasi nandidiyan lang sila, I want to give back to them parang ganoon,” safe answer ng aktor.

Sa kabilang banda, binanggit namin sa aktor na may plano naman talaga ang ABS-CBN na bigyan sila ng project ni Kristine, pero tumanggi raw ang asawa nitong si Oyo Sotto.

“Si Oyo, ha, ha, ha, so siguro hindi pa time, hindi pa timing. Okay lang ‘yun, they have their own reasons,” natawang sagot ng bida ng Alagwa.

Malaki naman ang pasalamat ng aktor sa SM Cinemas dahil ipinalalabas na raw ang trailer ng Alagwa, ”gusto ko ng pumunta sa mga sinehan ngayon kasi pinalalabas na ang trailer ng pelikula, ‘yun ang paborito kong gawin, manoog ng trailers.”

May isang taon ng nailibot sa ibang bansa ang Alagwa at nakakuha na ito ng citations at awards kaya natanong namin kung kumita na ang pelikula at naibalik na ang puhunan.

“Sa ibang bansa, siguro in terms of promotions and awards, and were talking about monetary value, mayroon na, may balik na, but for now, we’re hoping dito sa Pilipinas kumita ‘yung pelikula,” say ni Echo.

Kasama rin sa Alagwa sina Bugoy Carino, Leo Martinez, Smokey Manaloto, John Manalo, Jeremiah Rosales, Inaki Ting, Gary Lim, Nanette Inventor, Jamieson Lee, EJ Caro, at Carmen Soo.
Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top