Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Yuppies, middle class inaasahan sa Ayala Million People March

Yuppies, middle class inaasahan sa Ayala Million People March

Handa na ang lahat para sa panibagong bugso ng kilos-protesta kontra pork barrel na gaganapin sa Ayala, Makati City ngayong Biyernes, Oktubre 4.

Huwebes, nag-inspeksyon si Makati Police Chief Manuel Lucban kasama si Bayan Secretary General Renato Reyes sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas kaugnay ng Million People March.

Ayon sa awtoridad, alas 2:00 pa lang ng hapon ay isasara na sa trapiko ang kahabaan ng Ayala Avenue bagama’t alas-3:00 ang assembly time.

Napagkasunduan ng mga pulis at militante na walang susunuging effigy sa lugar.

Magsisimula ang programa alas 5:30 ng hapon at nangako ang mga raliyistang iiwanang malinis ang Ayala pagsapit ng alas 10:00 ng gabi.

Hinimok ni Reyes ang mga nagtatrabaho sa Makati na dumiretso sa ikalimang kilos-protesta para ipakita ang suporta sa pagbuwag sa kontrobersyal na pork barrel.

Unang nagsagawa ng Million People March kontra pork barrel sa Luneta, Agosto 26, 2013.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top