Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Tiu tikom ang bibig sa kanyang kasal

Tiu tikom ang bibig sa kanyang kasal

AYAW munang magsalita  ng guwardiya ng Rain or Shine na si Chris Tiu tungkol sa mga balitang nagpakasal daw siya sa Canada.

Noong Martes ay ibinalita ng isang tabloid (hindi ang HATAW) tungkol sa kasal ni Tiu sa kanyang kasintahan na nakilala niya noong nasa high school pa siya.

Naunang sinabi ng kampo ng Elasto Painters na nasa Canada si Tiu upang asikasuhin ang ilang mga personal na bagay.

Ayaw munang pag-usapan ni Tiu ang tungkol sa kanyang kasal hangga’t di pa tapos ang Governors’ Cup.

Pati si ROS coach Yeng Guiao ay ayaw ding magsabi tungkol sa bagay na ito dahil ito’y personal na bagay.  (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top