Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, nagiging daring na sa pananamit! (Matteo at Sarah, okey na raw?)

Sarah, nagiging daring na sa pananamit! (Matteo at Sarah, okey na raw?)

TILA nagiging daring na si Sarah Geronimo sa pananamit, ha.

Napansin na namin ito a few weeks ago when we saw her photo na napaka-sexy ng outfit.

Again, we saw a much daring Sarah in the   photos posted by a popular showbiz website. She was wearing a white outfit. It was a body-hugging number that exposes the Pop Star’s dangerous curves.

Ang nakakaloka, bare-back style ang damit kaya kitang-kita ang likod ng dalaga.

The Pop Star was captured na nakaharap, naka-side view, at nakatalikod  and she was radiantly beautiful.

In fairness to her, na-carry naman niya ang outfit at nagmukha pa nga siyang napaka-sexy at hindi cheap.

Curious lang kami kung paano napapayag ang madir ni Sarah na si Divine. Alam naman ng lahat na super conservative itong si Divine.

Siguro ay matindi ang convincing powers ni Liz Uy na siyang stylist pala ngayon ni Sarah. We’re certain na nagustuhan ni Divine ang style na ginawa niya sa kanyang dalaga kaya hindi na siya umangal.

Aangal pa ba siya, eh, ang ganda-ganda na nga ng anaka niya sa photos na nakita namin, ‘no!

Isa pa, ang ganda rin ng hairstyle ngayon ng dalaga. Bumagay ito sa kanyang aura.

Naku, tiyak na lalong mapapaibig itong si Matteo Gudicelli kapag nakita niya ang bagong look ni Sarah. Tiyak na lalo siyang mai-in love sa dalaga.

Teka, hindi pa ba sila? Marami ang nagsasabing magdyowa na ang dalawa pero ayaw lang nilang aminin.

As it is kasi, gusto pa rin ng madir ni Sarah na ang lalaking kanyang mapipili ay makakatuluyan na ng dalaga.

Well, ganyan talaga ang mga madir. They only have the best wishes for their daughters.

SEBASTIAN, ITINANGGING MAY SEX VIDEO SCANDAL SILA NI ENCHONG

KUMALAT sa social media ang intrigang mayroon daw sex video scandal sina Sebastian Castro at Enchong Dee.

Naloka kami when we opened one Facebook account dahil nabasa ang name niya sa  isang short article doon about the sex video nga raw of the two personalities.

Nakalagay doon ang screen-grabbed photos ng followers ni Sebastian na nagtatanong kung totoong mayroon silang sex video ni Enchong?

Maging si Sebastian ay naloka nang mabasa niya ang mga question sa kanya.

“So i open my fb twitter and find dozens of ppl telling me i have a sex scandal but no one bothers to send me a link,” tweet ni Sebastian.

A few minutes, nag-tweet si Sebastian denying the existence of his sex video with Enchong.

“Sorry to disappoint. Im about 90% sure i dont have a sex vid. Unless my ex secretly taped us, in which case someone will die very soon. =ØÞ,” tweet niya.

Of course wala naman talagang sex videos ang dalawa. To begin with, kung mayroon, eh, ‘di sana noon pa kumalat ‘yan sa cyberspace.

Halatang meron lang naninira kina Enchong at Sebastian.

Kawawa nga ang dalawa at nabiktima sila ng maling chismis.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top