Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jasmine Curtis nanganganib ang renewal sa TV 5 Wala kasing arrive!

Jasmine Curtis nanganganib ang renewal sa TV 5 Wala kasing arrive!

SA HINDI na nga kasikatang  television network na TV 5 napunta ang sister ni Anne na si Jasmine Curtis. May chika pa na mukhang malabo nang i-renew ng estasyon ni Mr. Manny Pangilinan ang contract ni Jasmine. Sabi, parang ang hirap abutin ng masa ang young actress dahil masyadong class ang dating nito unlike her sister Anne na malakas ang karisma kaya maraming fans. Yes, medyo matagal-tagal na rin sa showbiz si Jasmine pero hindi pa rin siya kilala ng tao. Ibig sabihin wala siyang arrive sa mga televiewer kaya hindi siya tumatak sa kanila.

Mabuti na lang at pinag-usapan ang Indie movie ng dalaga na “Transit” na idinirek ni Hanna Espia, produced by Paul Soriano at entry ng ‘Pinas sa Oscars. Malay natin kapag nagtagumpay ang pelikula na makapasok sa Oscar ay maging headline ng mga balita si Jasmine at makamit na rin niya ang minimithing kasikatan.

Ang manager pala ni Robin Padilla na si Betchay Vidanes ang nagha-handle ng career ng youngstar.

Well, sa showbiz kanya-kanyang swerte lang gyud!

KASALANG MAYA (JODI) AT SIR CHIEF (RICHARD) SA BE CAREFUL WITH MY HEART NGAYONG NOBYEMBRE NA

Bago mamatay si Mamang Conchita (Divina Valencia) sa No. 1 Daytime Teleserye in the Philippines na “Be Careful With My Heart” ay nakapamanhikan na si Sir Chief (Richard Yap) kasama ang mga anak na sina Luke (Jerome Ponce), Nikki (Janella Salvador) at Abby (Mutya Orquia) at mga parents na sina Madam Esmeralda (Marissa delgado) at Don Roberto (Noel Trinidad) sa apo niyang si Maya dela Rosa played by Jodi Sta. Maria.

Ngayong darating na Nobyembre ay magaganap na ang much awaited wedding ng dalawang pinakasikat na character na nagpapakilig tuwing umaga sa mga televiewer dito sa Pinas at maging sa abroad. Lahat ay excited na s’yempre na masilayan ito. Samantala, abala na rin pareho sina Maya at Sir Chief sa kanilang mga preparasyon sa kasal at si Regine Tolentino ang kinuha ng mag-sweethearts na kanilang wedding planner. Aba panay na rin ang tanong ni Nikki sa mga plano ng kanyang daddy Richard sa kasal at tumutulong rin ang magkakapatid sa pagbibigay ng idea para rito.

Samantala, plano ngayon ni Maya na dalhin ang buong pamilya sa ibang bansa pero hindi pwede si Kute dahil walang mag-aasikaso sa negosyo nilang Chibugan. Kaya instead sa Bohol na lang magbabakasyon si Maya at ang nanay niyang si Teresita (Sylvia Sanchez). Nilulubos na ni Maya ang pagba-bonding sa pamilya dahil malapit na nga siyang lumagay sa tahimik sa piling ng kanya ng husband-to-be na si Sir Chief. May isang character pala na dagdag sa casts at siya ay lumantad na si Arturo (Lito Pimentel). Siya na kaya ang ama ni Maya?

Sinusubaybayan at pinaiimbestigahan ngayon ni Sir Chief na kasalukuyang nasa Cebu. Good news, base sa aming narinig matagal pa bago magtapos sa ere ang inyong kinaaaliwang “Be Careful with My Heart.” Samahan sila tuwing umaga sa Kapamilya network pagkatapos ng Minute To Win It. Mapanonood rin ang Sabado Rewind nito every Saturday at 10:00 am.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top