Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cotto nais ng rematch kay Mayweather

Cotto nais ng rematch kay Mayweather

TARGET ni Miguel Cotto na magkaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather na tumalo sa kanya noong May 5 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Ang misyon na iyon ni Cotto ay ipinarating ni Freddie Roach sa media.  Pero bago ang nasabing rematch ay dapat lang na talunin ni Cotto si Delvin Rodriguez ng Dominican Republic sa Linggo na magaganap sa Amway Center sa Orlando, Florida.

Sa pananaw naman ng mga miron sa boksing, kailangang manalo si Cotto sa isang impresibong panalo para mapansin ni Mayweather.   Matatandaang natalo si Cotto sa huling laban nito via unanimous decision kontara kay Austin Trout noong Disyembre,  nakaraang taon.

Pero kung hindi magkakaroon ng kaganapan ang target nina Cotto at Roach,  puwede nilang hamunin si Saul Alvarez o si Sergio Martinez.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top