Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Anak binitbit ni mister tumalon sa tulay (Inaway ni misis)

Anak binitbit ni mister tumalon sa tulay (Inaway ni misis)

DAVAO CITY – Makaraang mag-away silang mag-asawa, tumalon sa tulay ng Generoso Bridge Bankerohan sa lungsod ng Davao ang isang lalaki bitbit ang 2-anyos nilang anak.

Nagkagulo ang mga residente sa SIR Phase 1, Matina matapos tumalon sa tulay ang isang alyas Ranz kahapon ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon ng Talomo PNP, nag-away ang mag-asawa na naging dahilan upang maglasing si Ranz.

Nang malango sa anak, bigla na lamang binitbit ni Ranz ang kanilang anak saka tumalon sa tulay.

Mabuti na lamang at nakita sila ng isang bangkero na mabilis silang sinagip at dinala sa gilid ng Davao River ang mag-ama.                       (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top