Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacers ganadong maglaro sa Pinas

Pacers ganadong maglaro sa Pinas

UMAASA ang head coach ng Indiana Pacers na si Frank Vogel na magiging maganda ang NBA Global Game nila kontra Houston Rockets sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Sa isang phone patch interview sa ilang mga manunulat, sinabi ni Vogel na ang biyahe ng Pacers patungong Maynila ay bahagi ng kanilang samahan bago magsimula ang bagong NBA season sa Nobyembre.

“It’s definitely going to be important. We have a lot of new faces on our team, and with something like this, you get to know each other a little better. You strengthen the relationship with the news guys and strengthen the friendship you already had with the old ones,” wika ni Vogel.

Noong huling NBA season ay natalo ang Pacers kontra Miami Heat sa Eastern Conference finals.

Idinagdag ni Vogel na dahil walang pagbabago sa nucleus ng Pacers sa pangunguna nina Paul George at David West, hindi imposible na kaya nilang talunin ang Heat sa NBA playoffs.              (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top