Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Natalo sa sugal sa lamayan Negosyante nag-amok 1 patay, 1 grabe

Natalo sa sugal sa lamayan Negosyante nag-amok 1 patay, 1 grabe

NABULABOG ang lamay sa patay sa lungsod ng San Carlos City, Pangasinan nang mamaril ang isang negosyante nang matalo sa sugal na ikinamatay ng isang lalaki habang kritikal naman ang kalagayan ng isa pang biktima kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rodolfo Castro, hepe ng pulisya, ang biktimang namatay na si Raymund Layno habang nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan si Rolando Rollos, kapwa ng San Carlos City.

Ayon sa ulat, nang matalo sa sugal na lucky 9 ay bigla na lamang nagbunot ng baril ang suspek na si Jojo Austria at pinagbabaril ang dalawang biktima.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek.

(JAIME AQUINO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top