Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Sports / De La Rosa player of the week

De La Rosa player of the week

ISANG dahilang kung bakit nangunguna pa rin ang San Beda College ngayong NCAA Season 89 ay ang mahusay na laro ni Rome de la Rosa.

Naging bida si De la Rosa sa 72-68 na panalo ng Red Lions kontra San Sebastian College noong Lunes kung saan siya ang nagbigay ng assist kay Arthur de la Cruz na naipasok ang pamatay na tira sa huling 56 segundo ng laro.

Bago nito, si De la Rosa ang nagpanalo sa Red Lions kontra Perpetual Help, 78-76, noong Huwebes dahil sa kanyang huling tira sa overtime.

Dahil dito, napili si De la Rosa bilang ACCEL-3XVI NCAA Press Corps Player of the Week.

“I can’t ask for more from him (Rome).He’s really playing well. All of them. And I’m very thankful that they have that trust in the coaching staff and in the system,” wika ni  San Beda coach Boyet Fernandez.

Dahil sa dalawang nasabing panalo ay patuloy na nangunguna ang San Beda sa standings ng NCAA sa kanilang 13-2 panalo-talo.

(JAMES TY III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top