Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Magiging malungkot ngayon ang romantic o business partner. Huwag nang magtanong at baka ikaw pa ang mapagbuntunan ng init ng ulo.

Taurus  (May 13-June 21) Marami ka bang ipinagpaliban na mga trabaho? Baka magkapatong-patong na ang mga ito.

Gemini  (June 21-July 20) Ikaw ba ay kalahok sa group activity? Posibleng atasan ka sa isang mahalagang gawain.

Cancer  (July 20-Aug. 10) May inaasahan kang bisita kaya magmamadali ka sa paglilinis ng inyong bahay.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Magiging masaya ka sa iyong pagsusulat ngayon bagama’t ito ay sulat lamang para sa kaanak.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Huwag masorpresa kapag nagpahayag ng interes sa iyo ang isang kasama sa trabaho.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Ikaw ay inspirado at masigla ngayon sa iyong pagtatrabaho.

Scorpio  (Nov. 23-29) Sa palagay mo ba ay may dapat kang gawin ngunit hindi mo maisip kung ano ito?

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Sa pakikilahok sa group activity dapat ay magamit din ang kakayahan ng ibang miyembro.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Bunsod ng trabaho, mapipilitan kang makihalubilo sa mga tao. Huwag itong pagsisihan dahil posibleng dito uunlad ang iyong career.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Posibleng magkaroon ka ng romantic relationship sa taong nasa malayong lugar.

Pisces  (March 11-April 18) Dahil sa iyong pagiging busy, mahihirapan kang mag-concentrate sa iyong trabaho.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maraming nakaraang mga isyu ang patuloy na bumabagabag sa iyo. Huwag itong labanan, bahagi ito ng healing process.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top