Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 1 patay, 8 sugatan sa bumagsak na scaffolding

1 patay, 8 sugatan sa bumagsak na scaffolding

PATAY ang isang lalaki habang walo ang sugatan matapos bumagsak ang scafffolding ng ginagawang ospital sa Amvel Compound sa Sucat Road, Parañaque City kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Jimmy Remonde.

Itinakbo naman ang karamihan ng mga sugatang manggagawa sa Olivarez Hospital at Parañaque City Community Hospital.

Batay sa pahayag ng isa sa mga nasugatang construction worker na si Victor Abuyo, nagpapa-litada sila sa ginagawang 6-palapag na Premiere Hospital nang bumagsak ang tinutuntungan nilang Gondola dahil nakalas ang mga bakal na kina-kabitan nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng Parañaque Police sa insidente.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top