Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Our Budget Secretary is (a) bad … i mean (Butch) Abad

Our Budget Secretary is (a) bad … i mean (Butch) Abad

00 Bulabugin JSY

HINDI siguro napapansin ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na humahaba ang kanyang ilong ‘ala Pinocchio tuwing siya’y nagsasalita habang ipinagtatanggol ang Palasyo sa sinasabing ‘panunuhol’ ng tig-P50 milyones sa mga MAMBABATAS na bumoto pabor sa IMPEACHMENT  ni dating CHIEF JUSTICE RENATO CORONA.

Ipinagtatanggol ni Butch Abad na hindi raw galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang mga ‘ipinang-areglo’ sa mga mambabatas kundi sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na idinisenyo umano ng DBM para mapabilis at mapataas ang economic expansion.

Weee … hindi nga?!

Kahit ano pa itawag mo d’yan Secretary Butch Abad, ganoon pa rin ang suma no’n BRIBERY pa rin ‘yan dahil ipinamigay n’yo ‘yan mayorya sa mga bumoto para mapatalsik si ex-CJ CORONA.

O ‘di  ba, maliwanag ‘yan sa mga paper trail?!

O sige ganito na lang, isa-isahin mo nga kung sino-sino ang mga binigyan ninyo?!

‘Yung sa totoo lang ha …masyado na kasing humahaba ang ilong mo Secretary Abad!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top