Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mikael Daez, iniligwak na bilang boyfriendng Miss World 2013 na si Megan Young

Mikael Daez, iniligwak na bilang boyfriendng Miss World 2013 na si Megan Young

NAGPA-INTERVIEW sa dalawang higanteng TV network na ABS-CBN at GMA ang mother ni Megan Young na si Mrs. Victoria Young. S’yempre feeling heaven pa rin siya sa pagkakahirang sa daughter na si Megan bilang Miss World 2013 sa katatapos lang na International Beauty Pageant na ginanap sa Bali Indonesia. At update pa nito sa ilang activities ni Megan ay titira sa London nang isang taon ang kauna-unahang Miss World ng bansa para kanyang atupagin ang lahat ng mga commitment rito.

Nang matanong si Victoria tungkol sa boyfriend ng anak na si Mikael Daez? Mabilis niyang tugon sa reporter, barkada lang raw ni Megan si Mikael at tuwing lumalabas raw ang anak at ang nasabing hunky actor ay marami sila. Well, una nang itinanggi ni Megan si Mikael, ngayon naman ay ang kanyang ina ang nagligwak sa binata. Bakit kaya laging naidi-deny ang Kapuso actor? May tamang pagdududa ba ang mag-ina sa sekswalidad nito? Marami naman kasi ang nakapapansin sa pagiging malamya ng actor at maging ang inyong columnist ay nakita ito.

Amoy na amoy gyud!

KUNG FU DIVAS NINA AI AI AT MARIAN HAHATAW NA TODAY OVER 100 THEATERS NATIONWIDE

As of presstime ay halos P70 milyon na ang kinikita sa takilya ng “Momzillas” ng Diamond Star na si Maricel Soriano at Rough Diamond Star. Ang ganda ng review ng mga moviegoer, best stressed reliever daw ang nakaaaliw na pelikula nina Maria at Uge na palabas pa rin sa mga sinehan nationwide na patuloy na tinatangkilik at pinipilahan ng ating mga kababayan. Kaya sa mga hindi pa nakapapanood agad-agad watch n’yo na ang Momzillas. Sa October 2 naman ay go na sa inyong favorite theater at panoorin ang ipinagmamalaking handog na world-class epic comedy-adventure film ng Star Cinema kasama ng Reality Entertainment at ng The O & Company Picture Factory, Inc., na “Kung Fu Divas” na pinagbibidahan ng dalawa sa malalaking artista ng industriya na sina AiAi delas Alas at Marian Rivera. Yes, no exaggeration ang tindi-tindi ng dating ng pelikulang ito ni direk Onat Diaz na hahangaan mo hindi lang ang kabuoan ng pelikula kundi ang special effects nito na gawa sa virtual world na maikokompara sa mga hit na Chinese action comedy movies. Imagine! kinaya ng powers nina Ms. Ai at Marian ang mga ipinagawang fight scenes sa kanila ni direk Onat. As in, mga action ang dating ng dalawa habang nakikipagbunuan sa kanilang mga kalaban na pinamumunuan ni Roderick Paulate. Sobrang funny at entertaining rin ‘yung awayan nina Aiai at Marian lalo nang mag-compete sila sa isang Beauty Contest at ‘yung pinag-aagawan nila ang Petsay. Dagdag factor rin ang presence ng hunky actor na si Edward Mendez na alamin kung kanino mapupunta? Naging matagumpay pala ang premiere night ng Kung Fu Divas kagabi sa SM Megamall Cinema. Today, October 2 ay palabas na ang pelikula sa mahigit 100 Theaters nationwide. Yes ang Momzillas at Kung Fu Divas na dalawang higanteng comedy films ngayon taon ang nagbalik sa trend ng comedy sa ating movie industry.

Kaya atin silang suportahan gyud!

“MULING BUKSAN ANG PUSO,” MATAGUMPAY NA MAGTATAPOS NGAYONG FRIDAY

Matapos ang 13 weeks, magtatapos na sa ere ang teleseryeng sinubaybayan ng bayan, ang Muling Buksan Ang Puso.

Programmed for a 13-week run, naging very exciting ang naging takbo ng kuwento ng Muling Buksan Ang Puso. Sa panonood namin gabi-gabi ng seryeng ito, walang episode na lumaylay ang story nito. Sabi nga namin, isa ito sa mga teleseryeng na napakabilis ng pacing. Isang gabing di mapanood, lost ka na. Honestly, we will miss ang ganito kagandang teleserye sa primetime.

Dito rin namin nakita ang pag-level up ng acting nina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil. At siyempre, ang di matatawa rang pagganap ng award-winning cast na sina Susan Roces, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Cherie Gil, Agot Isidro at Christopher de Leon. Nakapag-iwan ng magandang ehemplo ang MBAP na kahit short lang ito sa ere (unlike other previous teleseryes), hindi nag-suffer ang quality.

Kudos to ABS-CBN and Dreamscape for a fab mounting of Muling Buksan Ang Puso. It was a great 13-week run. At para sa kanilang mga huling episode abangan ang maaaring mangyari kina Sarah (Julia) at Francis(Enrique) ngayong nasa gitna sila ng kapahamakan at hawak ng mag-amang sindikato na Anton (Christoper) at Leonel (Enchong). Makaligtas kaya ang dalawa lalo pa’t matindi ang galit ni Leonel kay Francis, ang kapatid sa ina na si Marieta Beltran na ginagampanan ni Cherie Gil. Abangan sila sa kanilang huling linggo sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng Got To Belive na pinagbibidahan naman nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top