Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Derek at Cristine, nagbahay-bahayan lang?

Derek at Cristine, nagbahay-bahayan lang?

MARAMI ang nagulat nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Cristine Reyes at Derek Ramsay. Although, wala pang inaamin ang sino man sa dalawa, ayon sa balita’y si Derek ang sumuko sa relasyon nila ni Cristine na wala pa raw isang buwan ang itinagal.

Matatandan na umamin ang dalawa sa kanilang relasyon noong August 29, 2013.

Nang kunan ng pahayag ng PEP si Derek, tumanggi raw sumagot ang TV5 actor at sinabing ayaw niya itong pag-usapan. Sa iba pang report, ito raw ang sagot ni Derek via text message nang kunin ang reaksiyon ng actor sa balitang break-up nila ni Cristine. “I want to keep this private. Thanks for understanding.”

Iba’t iba naman ang reaksiyon ng publiko sa balitang ito, lalo na ang netizens.

May mga nagsasabi na baka gimmick lang daw ang pagkakaroon ng relasyon nina Cristine at Derek dahil may ginagawa silang pelikula, ang Trophy Wifeunder direk Elwood Perez.

Iyong iba ay nagpahayag naman na baka raw ang rason ng hiwalayan nina Derek at Cristine ay dahil baka raw nadiskubre ni Derek na totoo iyong tsimis na may sex video sina Cristine at ang ex-boyfriend niyang si Rayver Cruz. Of course, noon pa man ay tinatawanan lang ni Rayver ang balitang ito at sinabi pang imposibleng magkaroon sila ng sex video ni Cristine.

May iba naman na nagsasabi na baka nalasing lang daw ang dalawa at pagkagising ay naging sila na agad, lalo’t open sila sa pagsasabing close friends talaga sila. Hirit naman ng iba, parang nagbahay-bahayan lang ba ang peg nina Cristine at Derek at nang naumay na sa kanilang nanay-nanayan at tatay-tatayang laro, ayawan na agad ang drama nila?

Hopefully, malalaman natin sa mga susunod na araw kung ano talaga ang rason ng split nina Derek at Cristine. O kung gimik lang ba talaga ang relasyon nila para pag-usapan ang kanilang pelikula.

Charles Yulo, gustong maging magaling  na comedian

UNANG movie ni Charles Yulo ang pelikulang Momzillas na pinagbidahan ninaMaricel Soriano, Eugene Domingo, Billy Crawford, Andi Eigenmann at iba pa. Pero kahit baguhan, kinakitaan agad ng potensiyal si Charles bilang artista.

“May character ang personality ni Charles. Puwede siyang i-develop para maging isang mahusay na komedyante. Kailangan lang niya mabigyan ng break para lumabas ‘yung galing niya as an actor kaya agad ko siyang isinama sa cast ng “Momzillas,” saad ng box office filmmaker na si Direk Wenn Deramas.

Naging theater actor si Charles noong high school at college. Dahil talagang hilig ang pag-aartista, sumabak at nag-graduate din siya ng acting workshop at advance workshop sa ABS-CBN Star Magic Basic Acting for TV/FILM. Bukod sa acting, ang pagkanta ang isa pang talent ng binata na graduate ng dalawang kurso sa De La Salle College of Saint Benilde (Bachelor of Science in Hotel & Restaurant Management at Interior Design).

Nasabi ni Charles na pangarap niyang maging isang magaling na komedyante, sino’ng mga komedyante ang hinahangaan niya at bakit?

Sagot niya, “Sina Eugene Domingo, Toni Gonzaga, Vhong Navarro, Billy Crawford, Long Meija, Bayani Bayani and the wit of Vice Ganda. Very spontaneous kasi sila sa acting nila, parang ‘di scripted. Lahat sa kanila may matutunan ako.

“Pansin ko kasi grade school pa lang ako, ang kulit ko, sobra. Puro Joker of the Class nga nakukuha kong award, Trip-trip lang ng mga classmate ko noon,” nakangiting saad niya.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top