Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tatay nilaslas anak na special child (Bago naglason)

Tatay nilaslas anak na special child (Bago naglason)

100113_FRONT

KAPWA  wala nang buhay nang matagpuan ng kanilang mga kaanak ang 39-anyos na lalaki at ang kanyang 7-anyos anak na lalaki, sinabing isang  ‘special child’ sa loob ng kanilang tirahan sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang mga biktimang sina Nestor Dipasupil y Adarlo, anak na si Kimi Dipasupil y Panes na nakitang patay na sa loob ng  kanilang tirahan sa 5th Street, Punta, Sta. Ana, Maynila.

Sa salaysay nina SPOs1 Alma Dipasupil-Allam at   Reynante Adarlo,  kaanak ng mga biktima, nadiskubre nila ang malagim na insidente pasado 11:00, Linggo ng gabi,  sa loob ng tinutuluyang bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jonathan Moreno, may laslas sa leeg ang batang si Kimi na umano’y special child.

Nakuha rin sa crime scene ang kulay blue na nylon rope, liquid sosa,  at masking tape.

Ayon sa pulisya, posibleng pinatay muna ni Adarlo ang kanyang anak bago naglason.

ni BRIAN BILASANO

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top