Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P1-m halaga ng cash, alahas, natangay ng acetylene gang

P1-m halaga ng cash, alahas, natangay ng acetylene gang

Aabot sa P1 milyong halaga ng mga alahas at cash ang natangay sa panloloob sa Abalaza-Aldana pawnshop sa Tandang Sora, Quezon City.

Napag-alamang gumawa ng tunnel ang mga suspek noong nakaraang linggo mula sa drainage canal sa ilalim ng Tandang Sora Avenue.

Salaysay ng vault custodian na si Marlyn Bunagan, Lunes ng umaga nang datnan niyang butas na ang sahig ng pawnshop. Putol rin ang kableng nagkokonekta sa closed circuit television (CCTV) camera at alarm ng sanglaan.

Nasa P117,000 cash at daan-daan libong halaga ng alahas at kagamitan ang natangay ng mga suspek.

Narekober naman sa tunnel ang acetylene, jack, lagareng bakal at piko na hinihinalang ginamit ng mga suspek sa paggawa ng tunnel.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top