Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Gatecrasher sa b-day party tinarakan

Gatecrasher sa b-day party tinarakan

KRITIKAL ang kalagayan ng isang kelot matapos pagsasaksakin ng birthday boy at bisita niya nang pilit na makitagay at mangulit sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Patuloy na inoobserbaha sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Eduardo Abellas, 48-anyos, residente  ng Phase 3, Dagat-Dagatan dahil sa mga saksak sa katawan.

Mabilis nakatakas ang birthday boy na alyas Miguel at hindi nakilalang bisita niya.

Batay sa ulat, dakong 5:00 ng hapon kamakalawa nang magpainom ang suspek para sa kanyang birthday.

Kahit hindi imbitado ay pilit na nakisali ang biktima saka nanghihingi ng tagay na ikinairita ng mga suspek hanggang magkasabay na bumunot ng patalim at tinarakan ito.   (Rommel Sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top