Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Dating import ng Ginebra lalaro sa Pacers

Dating import ng Ginebra lalaro sa Pacers

KASAMA sa lineup ng Indiana Pacers ang dating PBA import na si Donald Sloan.

Naging import si Sloan para sa Barangay Ginebra San Miguel noong 2011 Governors’ Cup.

Lalaro si Sloan para sa Pacers kontra Houston Rockets sa darating na NBA Global Game na gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay sa Oktubre 10.

“Never say die, that’s what I learned about playing with Ginebra,” wika ni Sloan sa panayam ng website ng NBA Philippines. “Even though my stint over there was short, I loved it.”

Samantala, pipirma ng bagong kontrata ang Fil-Am coach na si Erik Spoelstra sa Miami Heat.

Hindi pa ibinunyag ng Heat ang ilang mga detalye tungkol sa bagong kontrata ni Spoelstra na nagbigay sa Heat ng back-to-back na titulo sa NBA.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top