Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) May dahilan ka para ngumiti. Magiging maganda ang araw na ito para sa iyo.

Taurus  (May 13-June 21) Ang susunod na mga araw ay higit na mainam at magbubukas ng bagong mga oportunidad.

Gemini  (June 21-July 20) Ikaw ay madalas na abala sa pagtulong sa ibang tao. May matatanggap kang pabuya dahil dito.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Maaaring mahirapan kang bumangon ngayon at hahayaan ang sariling magpahinga muna.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Magiging maganda ang araw na ito. Ang iyong enerhiya ay tugma sa iba pang signs.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Naging maswerte ka nitong nakaraan ngunit magbabago ang kapalaran mo ngayon.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring mautusan ka ng inyong opisina sa pagtungo sa malayong lugar. Huwag itong palagpasin, e-enjoy ang bagong lugar.

Scorpio  (Nov. 23-29) Totoo na kailangang magtrabaho para mabuhay. Ngunit huwag kalimutang maglibang paminsan-minsan.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Kung nagkaroon ka ng problema sa iyong sentimental life nitong nakaraang buwan, maaaring ito ay matapos na ngayon.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kung hindi ka kuntento sa iyong buhay, tumingin sa paligid. Maaaring nakahihigit ka pa sa iba.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) May makikilala kang bagong tao sa susunod na mga araw. Maaaring makatulong siya sa pagpapatupad ng bagong proyekto.

Pisces  (March 11-April 18) Mistulang kakambal mo na ang mga kritisismo. Lahat sila ay nakabantay sa iyong magiging pagkakamali.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi ka patitinag sa ano mang kritisismo. Pagbubutihin mo pa rin ang iyong trabaho.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top