Thursday , November 13 2025

Anak ni Paras nanalo sa Slam Dunk sa 3×3

NAGWAGI si Kobe Paras sa slam dunk event na isang sideshow sa ginanap na FIBA 3×3 World Championships noong Linggo ng gabi sa Jakarta, Indonesia.

Tumalon si Paras habang nasa kanyang ilalim ang kanyang kakampi sa RP team na si Thirdy Ravena na nakasakay sa motorsiklo kaya hindi siya nahirapang manalo kontra kina Demonte Flannigan ng Estados Unidos at Antonio Morales ng Espanya.

Si Paras ay anak ng dating PBA superstar na si Benjie Paras.

Ang pagkapanalo ni Kobe sa slam dunk ay naging pambawi sa hindi pagpasok ng RP team sa quarterfinals ng 3×3.

Samantala, naging kampeon sa FIBA World 3×3 ang Argentina pagkatapos na talunin nito ang Pransya, 13-7, sa finals.

Tumapos ang mga Pinoy sa ranking na ika-18 na puwesto.     (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …