Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / 2013 Miss World Megan Young nagsilbing saving grace sa krisis ng PH

2013 Miss World Megan Young nagsilbing saving grace sa krisis ng PH

00 Bulabugin JSY

NASA labas tayo ng bansa nang mapanood natin ang coronation night ng 2013 Miss World.

Nalungkot nga tayo kasi sa ilang araw na nasa labas tayo, ang naririnig natin sa mga kababayan natin ay ang mga negatibong balita gaya ng PORK BARREL SCAM, ZAMBOANGA SIEGE at iba pang masasamang balita tungkol sa bansa.

Kaya naman nang KORONAHAN si Ms. Megan Young bilang 2013 Miss World ay kasama tayo sa milyon-milyong Pinoy na nasa labas ng bansa na nakigalak at nakipagbunyi para sa kanyang panalo.

Salamat naman at NAKABAWI tayo.

Tunay na SAVING GRACE ang pagkakapanalo ni Megan Young para sa ating mga Filipino at sa buong bansa.

Sa umpisa pa lamang ay kompiyansa na ang maraming Pinoy na makapag-uuwi ng karangalan si Megan dahil sa ipinakita niyang performance sa nasabing beauty pageant.

Kaya naman mas lalong natuwa ang sambayanan nang siya ang TANGHALING 2013 MISS WORLD.

Mantakin ninyong ilang DEKADA bago natin nasungkit ang KORONA?!

Anyway, MARAMING SALAMAT, Megan!

Maraming salamat sa iyong pagsisikap na iuwi ang karangalan sa bansa.

Sana’y makatuwang mo rin ang  sambayanan sa pangako mong, “I promise to be the best Miss World ever.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top