Thursday , April 25 2024

San Beda, Perpetual habol ang twice-to-beat

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)

4 pm – Perpetual Help vs. Lyceum

6 pm – San Sebastian vs. San Beda

PAGHABOL sa twice-to-beat advantage ang puntirya ng San Beda  at Perpetual Help na sasabak sa magkahiwalay na kalaban sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament  mamaya sa The Aena sa San Juan.

Makakasagup a ng three-time defending champion Red Lions ang San Sebastian Stags sa ganap na 6 pm matapos ang 4 pm duwelo ng Altas at Lyceum Pirates.

Nasa itaas ng standings ang San Beda sa record na  12-2 samantalang ang Perpetual Help ay may 11-4.

Nasa ikaapat na puwesto ang San Sebastian sa record na  8-5 subalit tinutugis pa ng ibang koponang tulad ng Emilio Aguinaldo Colege, College of St. Benilde at Jose Rizal University na may tsansa pang makasingit sa Final Four.

Sa kanilang unang pagkikita noong Agosto 12 ay tinalo ng Red Lions ang Stags, 83-64.

Inaasahang mas maigting ang magiging performance ng  Red Lions mamaya dahil sa muntik na silang masilat ng Altas noong nakaraang Huwebes. Dumaan sila sa overtime bago naidispatsa ang Perpetual Help,  78-76 .

Babawi si Olaide Adeogun na maagang nag-foul out kontra sa Altas at hindi nakatulong sa Red Lions sa overtime period.

Katuwang ni Adeogun sina Rome dela Rosa, Art dela Cruz, Baser Amer at Kyle Pascual.

Ang Stags ay sumasandig naman kina Jovit dela Cruz, Jamil Ortuoste, Bradwyn Guinto, Leodaniel de Vera at CJay Perez.

Sigurado namang ibubunton ng Perpetual Help ang ngitngit nito sa Lyceum  na tinalo nila, 71-66 noong Hulyo 13. Ang Altas ay sumasandig kay Nosa Omorogbe na sinusuportahan nina Scottie Thompson, Chrisper Elopre, Harold Arboleda at prized rookie  Juneric Baloria.

Ang  Pirates ni coach Bonnie Tan ay may 4-10 record at halos wala nang pag-asang makarating sa Final Four. (By SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *