Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Naaktohang misis, kalaguyo kalaboso kay mister

Naaktohang misis, kalaguyo kalaboso kay mister

SWAK sa kulungan ang isang ginang at kanyang kalaguyo makaraang maaktuohan ni mister habang nagtatalik sa Gen. Santos City.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng Alabel Police, matagal nang nagdududa ang mister na itinago sa pangalang Jay, na may ibang lalaki ang kanyang misis na itinago naman sa pangalang Mary Grace.

Kaya’t nagpasya ang mister na sundan ang misis nang magpaalam na may pupuntahan lamang.

Nakita ng mister na pumasok si misis sa bahay ng itinago naman sa pangalang Marcelo, na sinasabing kalaguyo ni misis.

Sa puntong ito, humingi ng tulong ang nasabing mister sa mga barangay official at nang maaktohang nagtatalik ay inaresto ang dalawa.

Natuklasan na ang kalaguyo ni misis ay may asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Nakapiit na ngayon sa detention cell ng pulisya ang misis at kalaguyo.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top