Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Megan Young, babawiin na kaya ng ABS CBN sa TV5? (Dahil nanalong Miss World 2013! )

Megan Young, babawiin na kaya ng ABS CBN sa TV5? (Dahil nanalong Miss World 2013! )

MABUTI naman at nakatikim din ng good news ang ating bansa nang manalo si Megan Young bilang Miss World 2013 sa Bali, Indonesia. Matapos tayong purgahin ng mga balita ng kaguluhan sa Zamboanga, kay Janet Napoles at ng mga katropa niyang mga politikong corrupt, welcome ang balitang wagi ang beauty ng Pinay sa Indonesia.

Anyway, ngayong itinanghal nang Miss World si Megan ang kauna-unahang Pinay na nagdala ng ganitong karangalan sa ating bansa, bawiin na kaya siya ng ABS CBN sa TV5? Under kasi si Megan ng Star Magic at kumbaga ay ipinahiram lang siya sa TV5, habang naghihintay daw ng magandang project na maibibigay sa magandang aktres. Although, originally ay galing si Megan sa GMA-7 dahil produkto siya ng Starstruck, after two years sa Siyete ay lumipat siya sa ABS CBN. Biggest break ni Megan sa Dos nang nagbida siya sa Hiyas opposite Zanjoe Marudo. Pero after that ay napanood na siya sa TV5 sa pamamagitan ng mga drama series na Never Say Goodbye at Misibis Bay na medyo nagpa-sexy dito si Megan. Ngayong beauty queen na si Megan, sa palagay ko’y malamang na mas madalas na siyang mapapanood ngayon sa ABS CBN.

Weder-weder lang talaga ang labanan e.

Monique,  ang newcomer  na nangangarap  maging Nora Aunor

DARING ang unang sabak ni Monique Azerreda sa pelikula. Isa siya sa casts ng pelikulang Otso na pinagbidahan ni Direk Vince Tañada at pinamahalaan ni Elwood Perez. Sa naturang pelikula, sumabak sa mainit na love scene si Monique sa kapwa niya miyembro ng Philippine Stagers Foundation na si Jordan Ladra. Biniro nga namin siya sa kanilang horsie-horsie love scene sa Otso dahil sa galing niyang gumiling na animo hineteng nasa ibabaw ng kabayo. Pero ngumiti lang si Monique at sinabing bahagi lang ito ng trabaho niya bilang aktres.

Idinagdag pa ng 24 year old na dalaga na, “Hindi naman siya iyong bastusin, na pinaghubad lang ako na wala namang saysay… artistic naman iyong pagkakagawa e.” Anong masasabi niya kay Atty. Vince as an actor? “As a co-actor, he is a powerful actor, pagdating sa eksena ay hindi ka mahihirapang umarte kasabay niya, kasi, very supportive siya sa co-actor niya. Kumbaga, inili-lead ka niya in a way at binibigyan ka niya ng chance na mag-react sa ginagawa niya. So, parang give and take ang nangyayari kapag kasama mo si Direk Vince.”

Ayon kay Monique, ang Superstar na si Nora Aunor ang artistang labis niyang hinahangaan at gustong sundan ang yapak. “Di naman po ako totally Noranian, pero when it comes to acting style and all her works, sobrang ina-idolized ko po talaga si Nora Aunor. Because she’s a silent actress who speaks volumes with her eyes.

“Sa theater po kasi, itinuturo rin po kasi sa amin na hindi naman kailangan na sobrang laki ng galaw mo or sobrang galing mong umarte, as long as you speak volumes with what is needed only in the story.

“Kasi, talagang mata pa lang ni Nora ay umaaarte na e.”

So, gusto mo bang maging katulad ni Nora Aunor? “Opo, syempre naman,” nakangiting saad pa ni Monique na bukod sa pagiging artista ay vocalist din ng bandang Elan at isa sa finalists sa Miss Resorts World 2013 na ang grand coronation night ay gaganapin sa November 30 sa New Port Theater.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top