Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gian magdangalwalang kwentang lalaki (Aiza Marquez Vindicated!)

Gian magdangalwalang kwentang lalaki (Aiza Marquez Vindicated!)

HINDI naging maganda ang episode ng relasyon noon ni Aiza Marquez sa singer na si Gian Magdangal.

Grabe ang sama ng loob ng actress nang bigla na lang siyang tuwaran ni Gian dahil ang buong akala niya ay siya na ang babaeng pakakasalan pero nag-suffer pa nga ang career niya dahil sa nasabing lalaki. Pero hindi nga ganoon ang priority ni Gian ayaw niya ng kasal gusto niya relasyon lang at anak. Like he did to Sheree na papasikat na sana noon pero niligawan niya at ibinahay at nagkaroon sila ng isang anak.

Dahil ayaw pakasalan si Sheree ni Gian na sa tuwing binabanggit raw ang kasal ay pinapapalitan sa kanya ang topic. Hayun, dahil feeling niya ay wala siyang magiging future sa kinakasama ay tuluyan ng hiniwalayan ng dating member ng Viva Hot Babe ang Kapuso singer na walang balls. Honestly napakawalang kwentang lalaki pala ng Gian na ‘yan na ‘di dapat tinutularan.

So turn off naman talaga gyud!

JULIA, ENRIQUE AT ENCHONG, SOBRANG MAMI-MISS ANG TELESERYENG “MULING BUKSAN ANG PUSO”

DAHIL sa big success ng teleseryeng “Muling Buksan Ang Puso” ay nagpatawag ang Dreamscape Entertainment Television ni Sir Deo Edrinal ng Thanksgiving Presscon para sa tatlong bida ng serye na sina Julia Montes, Enrique Gil at Enchong Dee. Isa-isang isinalang ang tatlo na pinangunahan ni Julia na sa bungad-pahayag pa lang ay nagparamdam na ngayon pa lang ay labis na siyang nalulungkot sa pagsasara ng kanilang teleserye na this week ay nasa huling linggo na.

Tuwing gigising raw sa umaga ang young actress ay para siyang may jetlag pa rin na hahanapin ‘yung nakagawiang taping nila nina Enchong, Enrique at mga bigating co-stars. Napamahal na raw sa kanya ang character bilang si Sarah at sumasaludo siya rito sa ‘di pagsuko sa kanyang pagmamahal sa pamilya at sa lalaking itinitibok ng kanyang puso. Very thankful si Julia sa magagandang project na ibinibigay mula pa noon sa kanya ng Dreamscape na mas lalo pinuri ang kanyang acting sa “Muling Buksan …”

Sa tanong kung sa kanyang next project ay willing na siyang magpaka-daring? Hindi raw niya carry magpakita ng skin, more tears na lang ang maibibigay niya at type niya s’yempre ‘yung mga challenging role. Dream naman ng Kapamilya young star na maging leading man si John Lloyd Cruz. Kung ipapareha naman sa kanya si Daniel Padilla parang mag-iisip raw muna siya dahil baka magmukhang Ate lang siya ni Daniel. Pero kung may project para sa kanila dapat maganda ang story at alam niya kung ano ang magiging papel niya. Ilan pala sa mami-miss rin ni Julia nang husto ay sina Cherie Gil at Agot Isidro na itinuring siyang hindi iba sa kanila. Para naman kay Enchong Dee, natutuwa siya at nakagawa siya ng ganito kagandang teleserye na sa tuwing uuwi raw siya ay natutulog siyang nakangiti kasi nagawa niya ang best sa performance niya sa serye.

Walang halong pagyayabang, madalas ay take one raw siya lalo na ngayon sa mga eksena nila ng gumaganap na tatay na si Christoper de Leon. Dumarating ang actor sa set na kabisado na ang script at alam na ang lines niya. Bilang artista gusto ni Enchong ay buffet ang ihain sa kanyang mga manonood para marami pa siyang maipakita.

Pagdating naman kay Enrique, natutuwa ang hunky singer-actor sa mga papuri sa kanya ni Cherie Gil, na mother niya sa “Muling Buksan …” Ang sarap daw ng feeling na masabihan kang, “Tatanda ka sa industriya dahil magaling ka.”

Kung papano niya inaatake ang kanyang role? Well, iba-iba raw ang ginagawa niyang atake at nagugulat raw sya ngayon at nakaiiyak na siya sa mga eksena niya sa nabanggit na teleserye.

Dahil guwapo talaga, si Enrique pala ang sumunod kay Aga Muhlach sa tag na “Ang Lalaking Walang Angulo.” Kahit saan mo siya tingnan good looking talaga.

Samantala, naging SRO na naman ang ginawang mini-concert nina Julia, Enrique at Enchong na ginanap last Saturday sa SM Fairview Annex. Naging special guest sa nasabing mall show at album launch ang mga umawit ng soundtrack ng teleserye na sina Erik Santos, Jed Madela at Angeline Quinto. Huwag palalampasin ang huling mga gabi ng  “Muling Buksan Ang Puso,” pagkatapos ng

“Got To Belive” sa ABS-CBN Primetime Bida. Consistent ang show sa kanilang pagiging top rating!

KILALANIN ANG FIVE  GRAND FINALISTS NG KA-VOICE  NI IDOL SA EAT BULAGA

Last Saturday ay ginanap ang Knock-Out Round para sa siyam na weekly winners sa “Ikaw At Echo Ka-Voice ni Idol” sa Eat Bulaga. Ang tindi ng dating ng labanan dahil puro magagaling ang mga contestant at aminado ang mga judges na sina Dabarkads Julia “Imelda Sapin-Sapin” Clarete, Moi Ortiz (The Company), Concert Queen Pops Fernandez, Pop Diva Kuh Ledesma at Jose “Boyoyong Villame” Manalo na hirap sila sa pagpili ng kanilang magiging Top 5. Sobrang pinuri nina Kuh at Pops ang world class talent ng mga kalahok na kuhang-kuha ang boses ng kanilang mga idol. Narito ang limang pumasa sa criteria of judging na 40% para sa Voice Quality at Overall Performance naman na 60% for a total of 100%. Pinangunahan ito ni Joanne Bernal ng Bacolod City na ka-voice ni “Sitti,” ka-voice ni “Michael Jackson” na si Anthony Bea from Pampanga, Shane Velasco na mula Balanga, Bataaan at ka-voice naman ni “Regine Velasquez,” ka-voice ni “Basil Valdez,” Ceferino Almonia of Pampanga at from Davao City na kaboses ni “Jessica Sanchez” na si Ariel Daluraya. Hindi naman nakapasok ang mga ka-voice nina Tom Jones, Jaya, Nicki Minaj at James Ingram. Abangan ngayong darating na Sabado ang Grand Finals ng Ka-Voice Ni Idol na ang tatanghaling winner ay mananalo ng tumataginting na P300K at siguradong may magandang future na sa showbiz.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top