Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai at Marian, BFF na dahil sa Kung Fu Divas (Ai Ai, ‘di nagpakabog sa ganda ni Marian)

Ai Ai at Marian, BFF na dahil sa Kung Fu Divas (Ai Ai, ‘di nagpakabog sa ganda ni Marian)

THANKFUL si Marian Rivera sa Star Cinema sa pag-aalaga, pag-aasikaso at pagmamahal na ibinigay sa kanya during the shooting ng pelikulang Kung Fu Divas with Ai Ai delas Alas under Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory. Producer din siya ng nasabing epic comedy-adventure same with AiAi.

Bukod daw sa talent fee niya, nagdagdag pa siya para maging equal sharing sila ng Comedy Queen. “Iba pala ‘yung feeling kapag producer ka, lahat idaraan sa ‘yo for approval,”  tsika ng dyowa ni Dingdong Dantes.

Hindi gawang biro ang sakrapisyong pinagdaraanan nina Ai Ai at Marian habang ginagawa ng Kung Ku Divas. Kailangang mag-aral pang martial arts at kung fu ang dalawa para hindi sila magmukhang tanga sa mga manonood. Maging realistic ang kilos at galaw nila sa mga fight scene. Bukod pa sa ilang oras na rehearsal before the take.

Ayon kay Direk Onat Diaz, kailangan pa silang kumuha ng professional fighting instructors from China na magtuturo kina Ai Ai at Marian. Nakabibilib din ang special effect ng Kung Fu Divas, bumilib nga si Marian dahil first time siyang nakagawa ng pelikula na halos lahat ng mga eksena niya ay nasa chroma.

Sa pelikulang Kung Fu Divas, nabuo ang friendship nina Ai Ai at Marian, kuwento ng dalawang reyna. Maging ang personal nilang buhay na nai-share nila sa isa’t isa. Inggit na inggit nga ang comedy queen kay Marian dahil may Dingdong ito na totoo raw na nagmamahal sa kanya. Maramot daw siya pagdating sa taong mahal niya, hindi niya ito puwedeng i-share.

Pawang papuri ang ibinato nina Ai Ai at Roderick Paulate kay Marian. “Kung makikilalala ninyo ang totoong Marian, mamahalin ninyo siya. ‘Yung pagiging totoo niya kung minsan nami-misinterpret lang siya ng ibang tao. Totoo kasi siyang makisama sa kapwa, walang halong kaplastikan. Kung totoo ka sa kanya, magiging totoo rin siya sa ‘yo. Huwag mo lang siyang lolokohin, ‘yun na ang ending ng inyong friendship,”pahayag ni Roderick.

Pinag-usapan din ang panty ni Ai Ai sa pelikula na kulay yellow na biglang bumaksak sa kalawakan at umulan ng isang katerbang panties. May pinanggalingan daw ‘yun sa istorya, ayaw lang ikuweto ni Direk Onat.

Panoorin na lang daw natin ang pelikula  para malaman ang kasagutan. Ganoon?

Eddie Littlefield

 Ai Ai, ‘di nagpakabog sa ganda ni Marian

KAGULAT si Ms. AiAi Delas Alas. Nagtabi sila ni Marian Rivera sa presscon ng Kung Fu Divas. Grabe! Hindi siya naiwanan ng beauty ni Marina.

At take note, parehong flawless! Ngayon ko lang nasilayan in person si Marian. Parang gatas sa puti ang kanyang kutis! Ang ganda-ganda niya. Kaya pala patay dampot si Dingdong Dantes, walang iwanan. Grabe pala ang karisma niya. Plus ang kanyang smile na hindi pwedeng tumbasan ng salapi. Patatalbog ba si AiAi! Oh no! Ang kinis kaya. At pamatay ang kanyang legs, a million dollar legs!

 (letty celi)

Victor, nireregaluhan ng mga beki

NALULUNGKOT si Victor Basa sa nalalapit na pagwawakas ng kanilang serye. Hindi kasi nila alam kung ano ang magiging ending ng nasabing beki-serye.

Confident si Victor sa kanyang pagkalalaki kaya okay lang sa kanya makipag-kissing scene or bed scene sa kapwa niya lalaki kung kinakailangan talaga sa istorya. Sabi ng actor/model, ”Hindi naman ako apprehensive sa physical contact ‘yung ganyan. ‘Yun ang itinuturo sa acting workshop. Kapag nili-limit mo ang sarili mo, it means  you can do less.”

Ikinuwento ni Victor na hanggang  Europe ay napapanood ang kanilang beki-serye. “’Yung uncle ko successful in Amsterdam sabi niya, ‘Thank you for portraying with dignity’. Sabi rin niya, ‘You have to do something because you are the famous gay man in the family’. Sabi ko, role lang naman ‘yun.”

Very supportive raw si Divine Lee sa pagganap ni Victor as paminta. “Sabi niya, ang galing, ito dapat ang gawin mo. Support talaga siya sa akin. I guess, timing lang talaga. May mga kaibigan akong ganoon pero tina-try kong huwag gayahin.”

Palibhasa hunk actor si Victor, hindi maiiwasang may gays na nagpaparamdam na gusto siyang ligawan. “May nagpapadala ng regalo,hanggang doon lang. Wala talaga ‘yung ligaw, parang admirer lang ang tingin ko. Well, hindi na uso ngayon ang ligaw,” wika ng binata.

Eddie Littlefield

Wally, hinahanap na sa Juan For All, All For Juan ng EB

HANGGANG ngayon, marami pa rin ang naghahanap kay Wally Bayola sa Juan For All, All For Juan sa Eat Bulaga. Tila nakalimutan nila na may sex video scandal si Wally. Posibleng suspension ang iginawad sa kanya. Ilang months?

Kasi sina Wally, Jose, at Paolo ang magandang magkakasama sa said portion ng noontime show.

Sabagay, kahit sina Jose at Paolo lang ang magkasama, swak na swak pa rin. Pero pabalikin na lang si Wally, kasi ‘yang sex video parang madaling makalimutan at hindi lahat ng dabarkads ay napanood ‘yung video na ‘yan. ‘Yun lang!       (letty celi)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top