Thursday , November 13 2025

Zambo siege tapos na — Roxas

092913_FRONT

MAKARAAN ang 20 araw mula nang lumusob ang grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction, idineklara ng pamahalaan na tuluyan nang natapos ang pananalakay ng mga bandido sa lungsod ng Zamboanga.

Idineklara ito ni DILG Sec. Mar Roxas kasabay ng parangal sa mga tropa ng pamahalaan lalo na sa mga nagbuwis ng buhay para sa kaligtasan ng Zamboanga.

“Siege in Zamboanga City is over. We honor the fallen, the brave and the soldiers & policemen who died for their countrymen,” ayon kay Roxas.

Umabot sa 18 sundalo, limang pulis at 12 sibilyan ang namatay sa mahigit kalahating buwan na kaguluhan.

Habang nasa 166 miyembro ng MNLF ang napatay, 247 ang naaresto at 24 ang sumuko.

Halos 120,000 residente ang nagsilikas habang nasa 10,000 bahay ang nasunog dahil sa pag-lusob ng mga bandido.

Isinasagawa na ang clearing operations mga awtoridad sa natitirang rebelde kabilang na si Commander Habier Malik.

‘Financier’ ng MNLF inaalam na — Palasyo

SINIMULAN na ng gobyerno ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing P40 million financial support sa MNLF-Misuari faction para sa pag-atake sa Zamboanga City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Abigail Valte, patuloy ang berepikasyon ng gobyerno lalo na ni Interior Secretary Mar Roxas sa nasabing ulat na may taong nagbigay ng suportang pinansyal sa grupo ni MNLF founding Chairman Nur Misuri upang manguna sa pag-okupa sa ilang barangay sa lungsod ng Zamboanga.

Inihayag ni Valte na nag-utos na rin si Pangulong Benigno Aquino III sa DILG at iba pang kinauukulan para sa masusing imbestigasyon.

Tiniyak din ng Palace official na hindi isinasantabi ng Palasyo ang mga naging pahayag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na direktang nagtuturo kay Senate Minority Leader Juan Ponce-Enrile na nasa likod umano ng pagbibigay ng milyong pinansyal na suporta sa grupo ni Misuari upang malihis ang usapin sa pork barrel scandal.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Whisky Live Manila event

NUSTAR Online nakibahagi sa Whisky Live Manila event 

DALAWANG araw ipinagdiriwang ang mga kaganapan sa Whisky Live Manila noong Oktubre 10-11, 2025, sa Shangri-La The …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM DICT Feat

SM Supermalls and DICT launched Digital Corners in SM Job Fairs
Empowering job seekers and SHS learners through digital upskilling

Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda and SM Supermalls VP for …