Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Celebrity doctor, at product endorser maginoong tingnan pero bastos at nang-aapi ng babae sa tunay na buhay?

Celebrity doctor, at product endorser maginoong tingnan pero bastos at nang-aapi ng babae sa tunay na buhay?

00 Bulabugin JSY

HANGGANG ngayon po ay naghihintay tayo ng sagot mula kay celebrity doctor and product endorser Dr. Gary Sy, na inireklamong nambugbog at nanloko ng kanyang live-in partner at lumabas sa ating pahayagan.

Mukha kasing nag-HIBERNATE si Doc at hindi natin makontak para kunin ang kanyang panig.

Anyway, talaga namang nadesmaya tayo nang husto kasi kung magpayo ‘yang si Dr. Gary Sy sa kanyang programa sa telebisyon ‘e parang napakataas ng kanyang kredibilidad at parang hindi gagawa ng ano mang klase ng kaaliwaswasan sa buhay.

Pero batay sa sinumpaang salaysay at reklamo ng kanyang live-in partner sa loob ng dalawang taon na si Nikki Lyn Upfold, 28 anyos, dumanas siya ng pananakit mula sa doctor hanggang iniuumpog na ni Sy ang kanyang ulo sa cabinet at sa pader.

Lumala pa umano ito nang matuklasan niyang nabuntis ni Sy ang isa niyang ‘kalaguyo.’

Ayon pa kay Unfold, nagawa pang pekein ni Sy ang kanyang pirma para mai-withdraw umano sa banko ang mahigit kalahating milyon niyang ipon.

Tsk tsk tsk …

Ibang-iba pala talaga si Dr. Sy sa totoong buhay. Mainitin ang ulo at mukhang HIGH BLOOD?!

Akala ko ba Doc, e nasa DUGO lang ‘yan?!

Hindi ba ‘napalamig’ ng CIRCULAN ang init ng iyong ulo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top