Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sen. Franklin ‘dribol’ este Drilon allergic sa ‘BFF’ na si Janet Lim Napoles

Sen. Franklin ‘dribol’ este Drilon allergic sa ‘BFF’ na si Janet Lim Napoles

00 Bulabugin JSY

NAGTATAKA naman tayo rito kay Senate President Franklin  ‘Dribol’ este Drilon.

Bakit ba ayaw niyang pirmahan ang subpoena na ipinahanda ni Senate Blue Ribbon Committee TJ Guingona para humarap ang kanyang ‘BFF’ na si Janet Lim Napoles sa Senado?

Masyado ba siyang ‘allergic’ ngayon kay Napoles?!

Nahihiya ba siya sa dating ka-party-goer niya at ka-outreach ng misis niya o ikinahihiya niya si Napoles dahil sa eskandalong kinasusuungan ngayon?!

Naman?!

Hindi ba niya nami-miss si Napoles?!

Ayaw ba niyang magkaroon sila ng get-together sa Senado?!

Kaya hindi na tayo magtataka kung isang araw ‘e biglang sumabog si Napoles at biglang ‘rumatsada’ ng pagtuturo sa sobrang sama ng loob.

S’yempre sa sama ang loob niya dahil noong panahon na napakikinabangan pa siya ay ipinagmamalaki siya at hindi nahihiyang ibando sa publiko ang asosasyon sa kanya.

Pero nang masilat si Napoles, at sumabog ang P10-bilyon pork barrel scam ‘e bigla siyang ‘ITINATWA’ ng kanyang mga ‘KASABWAT.’

Sabi nga ni Ms. Gigi Reyes … ang pinakamasaklap na kataksilan na naranasan niya ay ang ‘ilaglag’ siya ng kanyang dating bossing.

Mutual siguro ang ‘feelings’ nila ngayon ni Napoles.

Mutual ang kanilang pakiramdam na sila ay ‘inilaglag’ ng mga dating nakikinabang sa kanila.

Pero meron pa bang sasaklap sa pakiramdam ng sambayanang NINAKAWAN?!

Anyway, Senate President Franklin ‘Dribol’ este Drilon, pirmahan mo na ‘yang subpoena para walang masabi sa iyo ang mga kapwa mo Senador.

Sort of … get together?!

Give her (Napoles) a chance to see you once more, Mr. Senate President!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top