Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Major Eduardo Sy, biktima ng mapanirang text

Major Eduardo Sy, biktima ng mapanirang text

00 Bulabugin JSY

NAGULAT tayo sa mga text na ipinadala sa aming 3 pahayagan tungkol sa isang Major Sy na ayon sa texter ay abusado raw at pinahihirapan ang vendors na katabi ng pwesto ng misis nya. Ipina-verify ko ang text na ito sa ating mga Bulabog boys sa Divisoria mall, at nalaman natin na walang katotohanan ang text/sumbong na ito. Ayon sa mga vendor sa naturang lugar ay madalang raw na makita nila si Major Sy sa Divi Mall at ang asawa nya ay nasa tamang sukat ang latag ng paninda. Kung makita man nila si Major Sy ay mag-isa lang at walang alalay na pulis. At kung kumain pa raw ito ay nagbabayad naman .Hindi rin daw doon naka-assign si Major Sy kaya malabo na mag-operate siya roon. Hindi ko personal na kilala si Major Sy, pero ako’y naniniwala na isang paninira lang ang mga text na ipinakakalat ng isang taong may inggit o galit sa kanya.

 

 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top