Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang ‘brinkmanship’ ni Megastar Sharon sa ‘Pork Barrel’ ni mister senator

Ang ‘brinkmanship’ ni Megastar Sharon sa ‘Pork Barrel’ ni mister senator

00 Bulabugin JSY

BILANG anak ng MACHO at BARAKONG si namayapang ex-Pasay City Mayor PABLO CUNETA, namana ni Ms. Cuneta Sharon ang mapanghamong ugali ng kanyang ama.

Ganito kasi ang ugali at nakasanayan ng mga POLITIKO noong araw, ‘yun bang tipong ‘TAYAAN ng BAYAG’ para mapatunayan na TOTOO at TAMA ang sinasabi nila.

Kung ikaw ang hinahamon at medyo totiyope-tiyope ka ‘e tiyak hindi ka KAKASA sa BRINKMANSHIP ng humahamon sa iyo.

Kaya naman nang may nagtanong kay Ms. Shawie kung ang kanyang asawa ba na si dating  Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ay hindi sangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam agad sumagot sa kanyang Twitter Account si Ms. Shawie nang ganito: “His (pork barrel) was all well-accounted for, napunta sa lahat (nang) dapat puntahan.”

Nang isama ni Senator Denggoy este Jinggoy Estrada ang pangalan ni Senator KIKO sa mga mayroon din umanong kwestiyonableng transaksiyones sa kanyang pork barrel, ‘e muling nagsalita si Ms. Shawie.

Gaya nang hamon niya noon na magbibigay siya ng P1 milyon kung sino man ang makapagbibigay sa kanya ng ebidensiya na mayroong ‘mistress’ ang kanyang asawa, ngayon naman ay muling naghamon  si Ms. Shawie na kung sino man ang magkapagpapatunay na may anomalya sa ‘pork barrel’ ng kanyang asawa ay bibigyan niya ng P10 milyon at iiwan pa raw niya ang Senador na nagtapos ang termino nitong Hunyo 2013.

Ganoon daw kasi kataas ang tiwala ni Ms. Shawie sa kanyang hubby.

Kaya naman bilib tayo sa tapang o brinkmanship ni Ms. Shawie, kumbaga sa mga Batangeño ‘e parang bente-nueve sa talas. Wala tayong  pagdududa na kayang gawin ni Ms. Shawie ang kanyang sinasabi.

Pero concern tayo na baka siya ay masilat dahil mismong ang Commission on Audit (COA) ay mayroong sinasabi na mayroon pang ‘unliquidated’ sa pork barrel ni Sen. Kiko.

E sa totoo lang, sa loob ng 12 taon na naging Senador ang kanyang lovey doods ‘e wala naman siyang naimarka maliban sa bansag na Mr. NOTED at Mr. KORNIK.

‘E marami pa ngang natuwa nang matapos na ang termino niya. Kumbaga. Good riddance, Mr. Noted.

Inuulit ko, bilib tayo sa BRINKMANSHIP ni Ms. Shawie, ‘wag lang nga sana siyang MASILAT sa pagkakataong ito.

Wish lang natin, sana ay magarantiyahan siya ng kanyang hubby.

‘Di ba, Ms. Shawie?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top