Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Nat’l Youth Chess susulong sa Biyernes

Nat’l Youth Chess susulong sa Biyernes

TUTULAK ngayong Biyernes ang pinakahihintay na 2013 National Youth Chess Championships standard competition sa Philippine Sports Commission Conference Room sa Vito Cruz, Manila.

Ang opening ceremony ay nakatakda sa ganap na alas-kuwatro ng hapon kung saan gaganapin ang Round 1 sa ganap na alas-singko ng hapon.

May dalawang kategorya na paglalabanan, ang 15 years-old and below at  9 years-old and below.

May nakalaan na prizes at medals mula sa organizing committee na National Chess Federation of the Philippines sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.

Si NCFP executive director at Grand Master Jayson Gonzales ang mangangasiwa ng nasabing chessfest kung saan si International Arbiter Gene Poliarco ang chief arbiter.

(Lovely Icao

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top