Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juan dela Cruz ni Coco, ‘di natalo ng bagong serye ng GMA

Juan dela Cruz ni Coco, ‘di natalo ng bagong serye ng GMA

PATULOY ang paghahari sa primetime TV ng no.1 superhero drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz sa kabila ng mga bagong programang itinatapat dito.

Muling namayagpag noong Lunes (Setyembre 23) ang teleseryeng pinagbibidahan ng Drama King na si Coco Martin taglay ang 33.5% national TV ratings, o halos 17 puntos na kalamangan kompara sa bago nitong katapat na programa sa GMA na Kahit Nasaan Ka Man (17.2%), base sa datos mula sa Kantar Media.

Samantala, tiyak na lalong magwawagi sa puso ng TV viewers ang mga kapana-panabik na eksena sa Juan dela Cruz ngayong nalalapit na ang katuparan ng huling propesiya.

Paano mapipigilan ni Juan (Coco) si Peruha (Diana Zubiri) sa pagsakop nito sa mundo ng mga tao, kapre, tikbalang, tiyanak, at duwende ngayong pati ang Kapatiran ay kinakalaban na rin siya?

Totoo ba ang paniniwala ng Kapatiran na hindi na matatakasan ni Juan ang paggiging ‘Anak ng Dilim?’ Huwag palampasin ang nalalapit na katuparan ng huling propesiya sa no.1 Primetime Bida teleserye na  Juan dela Cruz, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter at i-like ang official Facebook fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top