Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Deliver me from people with bad intention

Deliver me from people with bad intention

LAST  Sunday, Sept. 22, at about 11:15 pm sa kahimbingan ng aking pagtulog ay ilang beses nag-ring ang aking cellphone. It was Amalia Fuentes, pero hindi naman siya nagre-reply sa aking hello?  Instead ay ipinaririnig niya ang isang kuwentohan na nababanggit ang pangalan nina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Richard Gutierrez and Sarah Labhati. It was an intimate usual tsikahan the La Fuentes style. Naririnig ko ang boses ni Amalia.  Parang she want me to listen to the tsismisang nagaganap. Nakinig ako nang konti at hindi ko agad pinatay ang phone.  Kasi baka kausapin niya ako. Anyway, kalaunan ay pinindot ko na at talagang mas gusto ko pa ang matulog.  Bilib din ako sa energy ni Amalia!  At 73 ay active pa siya sa tsikahan sa ganoong halos hatinggabi na.  Iba talaga si Amalia.

***

Remember former actress Dinah Dominguez? Nagkakasama sila ni Azenith Briones na very close sa akin, kaya naman nagkasama rin kami ni Dinah not so long. Ang ikinabaliw ko few days ago, nag-text sa akin ni Dinah.  Tulungan ko raw siya na i-refer sa TV show about their property in Bongol, Pili, Pinamalayan, Oriental Mindoro.  Ginagawa raw nila ‘yun na parang Boracay kaso may nag-scammed sa mga victim who got their money daw. Using the Dominguez 10 hectares lot as bait.  Tulungan ko raw siya para mawala ang salot at huwag pamarisan. OMG?  Alam na alam naman ni Dinah ang pinagdaraanan kong colon cancer stage 4? Sa health situation ko ngayon, I cannot focus in this kind of problem. Mas effective kung siya mismo ang lumapit sa network lalo’t masasabi pa niya ang importanteng detalye.

***

I am 97% getting the love, care, prayers, concern of my friends in and out showbiz sa aking health condition. Nag-uumapaw.  Maraming salamat sa kanila.  Even my favorite Anthony Castelo talked to me saying na full support siya sa Dec. 11, 2013 show sa Teatrino Greenhills, headed by Pilita Corrales. Sa prayers ko ay sinasabi kong “Lord, deliver me from evil and people with bad intention!”  Kaya naman 97% ay kontento ako sa sobrang pagmamahal. Pero meron pa rin ilang tao na naiirita ako.  One is former beauty queen Amelia dela Cruz of Iloilo.  Tawag nang tawag?  Iba’t iba ang sinasabi:  “Ano number ni Melanie Marquez?  Musta ka?  Saan ka nakatira dalaw ako! Ano number ni Margie Moran for crowing?”  Hindi siya pleasant magsalita, walang lambing. And I can feel na hindi siya sincere. Hindi ko ibinigay ang aking address.  Sorry.

***

My good friend Jojo Alejar is hosting this Friday, Sept. 27 event at the Hotel Rembrandt.  It’s 80’s Dance Party entitled “Don’t Stop Till We Get Enough,”a fundraiser by Maryknoll Class of 1989 for the benefit of MC-INSA.  Ang head nito ay ang friend naming si Atty. Faye Singson na best friend naman ni Sheryl Cruz. I recommended Jojo kasi bagay sa kanya ang event and surely mag-i-enjoy pa siya sa work. Malalim na rin ang pinagsamahan namin ni Jojo sa dami ng shows na pinagsamahan namin, and the trust and respect we have for each other. Gusto kong dumalo dahil music of the ‘80’s ito, kasagsagan ko pa. But again, I’m avoiding crowded events.  Kaya nga hindi rin ako nakarating sa PICA event ni Fanny Serrano. Mahirap na kasing makalanghap ng very bad sa aking health.

Chito Alcid

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top