Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, magda-Darna uli!

Angel, magda-Darna uli!

SPEAKING of Angel Locsin, hindi itinanggi ng dalaga na interested siyang muling gumanap na Darna.

Sa isang panayam ay sinabi nitong gusto niyang i-reprise ang role na nagpasikat sa kanya nang husto noong nasa GMA-7 pa siya.

Hindi pa malaman sa ngayon kung sino ang gaganap na Darna. Parang mayroong bagong audition na gagawin dahil out na raw si Yam Concepcion for reasons unknown to us.

Ang ilan sa mga nababalitang gaganap ng famous heroine bukod kay Angel ay sinaCristine Reyes at KC Concepcion.

Marami ang may ayaw sa dalawa. Unag-una,  hindi raw maganda ang image ni Cristine para gumanap na Darna. Malaking issue kasi ang nilikha ng pang-aaway niya sa kapatid na si Ara Mina.

Si KC naman, hindi raw bagay for the role dahil Inglesera ito. Pinoy na Pinoy kasi angDarna character kaya hindi raw bagay ang anak ni Mega rito.

Ang feeling namin, si Cristine talaga ang bagay na Darna at wala ng iba. Siguro ay nakalimutan na ng sambayanan ang kamalditahan niya sa kanyang ate kaya baka puwede na siya sa role na pinasikat din ni Vilma Santos.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top