Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tuesday, pinuri sa kanyang indie film

Tuesday, pinuri sa kanyang indie film

MARAMING papuri ang natanggap ni Tuesday Vargas sa kanyang indi film na Ang Turkey Man ay Pabo Rin  na idinirehe ni Randolph Longjas  na bahagi ng CineFilipino Film Festival.

Ayon sa reviews, sobrang nakatatawa and loveable raw ang movie na nagpapakita ng mga nakatutuwa at nakaaaliw na kultura ng mga Pinoy. Natural na natural daw ang pagkaka-deliver ng mga punches at talaga raw napakaraming hilarious scenes.

Kung ilang beses ka nga raw tatawa sa pelikula but in the end ay napaka-touching daw nito. Well, for sure ay overwhelmed si Tuesday sa magagandang reviews sa movie lalo pa nga’t ito ang biggest break niya so far.

Say nga niya, talaga raw sobrang thankful niya na pinagkatiwalaan siya ng direktor at producer para sa naturang proyekto.

Dinugo rin naman siya nang husto sa pelikulang ito at ibinigay din niya ang lahat ng makakaya.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top