Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nanay ni Bea na si Mrs. Carina Binene muntik-muntikan nang maipakulong ni Atty. Ferdinand Topacio (Mag-ina sobrang yabang kasi!)

Nanay ni Bea na si Mrs. Carina Binene muntik-muntikan nang maipakulong ni Atty. Ferdinand Topacio (Mag-ina sobrang yabang kasi!)

HINDI naman Public Apology ang hiling sa kanila ng labs at BFF naming si Atty. Ferdinand Topacio kundi ang personal na paghingi nila ng paumanhin sa seasoned celebrity lawyer dahil sa panlalaglag at pagtangging legal counsel nila. Pero anong ginawa ng mag-inang Carina at Bea Binene hayun dineadma lang nila ang request ni Atty. Ferdie at hindi lang ‘yan nagyabang pa at ang lakas ng loob para sabihing wala silang kasalanan sa sikat na abogado. Anong wala? Sasampahan ba sila ng kasong estafa kung wala silang ginawang kamalasadohan. Hindi ba’t hindi ini-remit ng mag-ina sa PolyEast Records ‘yung inorder ni Atty. Ferdie na CD ni Bea Binene worth 180,000. At dahil binalewala lang nila, na feeling nila ay panakot lang ‘yung sasampahan sila ng kaso. Itinuloy ni Atty. Topacio ang pagsasampa last week. May resolution na ito at may warrant of arrest na para kay Mrs. Carina Binene. Last Friday ay ini-serve ‘yung warrant at masuwerte ang yabangerang ginang dahil hinayaan siya ng trinaidor nilang abogado (Atty. Topacio) ni Bea na siya ay magpiyansa. Dahil kung tulad lang ng iba na walang puso ang kaibigan naming controversial lawyer ay tyak na makukulong nang ilang araw si Mrs. Binene. Bale P40 K ang inilagak na piyansa ng ale para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Supposedly ay kasama si Bea rito pero dahil menor de edad ay walang inilabas na warrant of arrest sa young singer-actress. Pero kapag tuluyan na silang mahatulan ay sa selda ang bagsak ni Madam Carina at sa DSWD naman dadalhin si Bea.

Fiesta gyud!

AI AI DELAS ALAS AT MARIAN RIVERA PATOK NA PATOK SA KUNG FU DIVAS

Patuloy na pinipilahan sa takilya ang Momzillas nina Maricel Soriano at Eugene Domingo na hatid sa inyo ng Star Cinema at Viva Films. We heard na sa first day nito ay kumita na ang newest comedy masterpiece ni direk Wenn Deramas ng P5 milyon at di malayong tumagal pa sa mga sinehan. After Momzillas ay bongga rin ang next movie ng Star Cinema kasama ng Reality Entertainment at ng The O & Co Picture Factory Inc., at ‘yan ang “Kung Fu Divas” starring AiAi delas Alas and Marian Rivera na showing na sa October 2 in cinemas nationwide. Yes, totoo ‘yung nakasulat sa Press Release ng Star Cinema na isang world-class epic comedy-adventure film ang nasabing project na idinirek ng beterano sa paggawa ng mga TV commercials, TV shows at Music videos for 17 years na si Onat Diaz. Sa sobrang ganda nga ng pagkakagawa ng Kung Fu Divas ay ikinokompara ito sa blockbuster Hong Kong comedy film noong 2001 na “Shaolin Soccer.” Kitang-kita naman sa trailer kung paano binusisi ni direk Onat ang bawat eksena ng mga bidang sina Ms. Ai at Marian lalo na sa matitindi nilang mga fight scenes rito. Bukod sa ginamitan ng virtual world para magmukhang sa ibang bansa kinunan ang pelikula ay kumuha pa sila ng Chinese trainor para maghasa sa lead cast at mga supporting stars. Gustong linawin ni Marian na hindi lang ‘yung away at tarayan nila ni AiAi ang mapanonood ng tao dito sa Kung Fu Divas kundi may family value rin ang movie dahil ipakikita rito ang kani-kanilang buhay kasama ng kanilang mga pamilya. So, may halong drama rin ito kaya kompletong-kompleto na hanap ng lahat ng moviegoers. Dalawa sa gustong-gusto naming eksena ay ‘yung naglaban sa Beauty Contest sina Marian at Ms. Ai. Nang magtaray ang una sa huli na ‘di naman ‘Ugly Contest’ ang sinalihan at sa pagka-irita ay mariing piniga ni AiAi ang kamay ni Marian pero poised pa rin. ‘Yung nag-aagawan sila sa petsay na pag-aari raw ni Marian na pampaganda naman ng kutis ng Comedy Concert Queen.

Nakai-eskandalo rin daw ang scenes rito ng dalawa, kasama ang nag-iisang leading-man sa movie na si Edward Mendez na ayon pa kay Ms. Ai ay dakila ang pagkalalaki. Uy, kasama rin sa Kung Fu Divas sina Roderick Paulate, Bianca Manalo, Precious Lara Quigaman, Nova Villa at Gloria Diaz. Well, manood kayo at tyak na sasabihin ninyong mas pabulosa pa ito sa inyong mga napanood na Chinese movies.

Try to watch it, at hahagikgik kayo sa kakatawa gyud!

ALENG MALIIT RYZZA MAE MAMIMIGAY NG TINDAHAN SA MGA VIEWER NILANG DABARKADS SA EAT BULAGA

Yes, nakiki-level na rin si Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon kay bossing Vic Sotto sa pamimigay ng premyo araw-araw para sa mga viewer nilang Dabarkads sa Eat Bulaga. Kung si Bossing, walang patid ang pamamahagi ng blessings sa public service segment nilang “Juan For All, All For Juan,” na kinabibilangan ng mga segment na Bayanihan of ‘D Pipol, sugod-Bahay sa Barangay, at Lucky Truck kasama na ng EBest Project nila ng Eat Bulaga para sa mga estudyanteng pinag-aaral nila nang libre sa Kolehiyo at may monthly cash allowance ang bawat isa sa kanila. Ito namang si Aleng Maliit ay palaki nang palaki ang give na prizes para sa kanyang “Text Promo.” Ngayong araw ay mamimigay siya ng P10K at tatlo ang pwedeng manalo gayondin ng Tindahan Showcase na nagkakahalaga ng P20,000. Para makasali abangan sa inyong TV screen ang ibibigay na word of the day ng EB Dabarkads at sundan lang ang format na ito EB (Space) word of the day/name and address at ipadala 367 kung kayo ay Smart and Talk ‘N Text subscriber at para naman sa Globe/TM/Sun ang gamit send niyo ito sa 2344.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top