Thursday , November 13 2025

Manila water naglabas ng dispute notice (Arbitration simula na)

PORMAL nang nagsumite ng Dispute Notice sa International Chamber of Commerce ang Manila Water, na konsesyonaryo sa silangang bahagi ng Metro Manila, upang harapin ang inilabas na pasya ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ukol sa taripa sa tubig.

Sa paglabas ng dispute notice, opisyal nang sisimulan ang proseso ng paghahatol sa nasabing tagapamagitan o “arbitration.”

Ang hakbang na ito ng Manila Water ay bunsod sa desisyon ng MWSS na tanggalin ang mahahalagang programang tumutugon sa paggawa at pagpapanatili ng sistema ng patubig sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Sa kawalan ng nasabing mga programa, makokompromiso ang kakayahan ng konsesyonaryo na tuparin ang obligasyong magbigay serbisyo sa mga kustomer.

Pinahihintulutan sa Concession Agreement (CA) sa pagitan ng MWSS at Manila Water ang paghahatol sa tagapamagitan o ‘arbitration’ upang  mapagpasyahan ang mga bagay na hindi mapagkasunduan, gayondin ang mga pahayag na mayroong kinalaman sa CA.

Ang Arbitration Panel, na kilala bilang Appeals Panel, ay itatalaga upang isagawa ang pagsusuri at paglilitis alinsunod sa mga tuntunin ng arbitration.              (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …