Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Iwa Moto nanganak na

Iwa Moto nanganak na

ISINILANG na ng sexy actress na si Iwa Moto ang baby girl nila ni Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., nitong Lunes.

Ito ay kinompirma mismo ni Lacson kasabay ng pag-post ng video sa kanyang personal Instagram account, na ipinakita si Moto at kanilang anak na si Eve.

“Welcome to the world Eve,” ayon sa maigsing caption na inilagay ni Lacson.

Makikita rin si Moto na umiiyak sa video habang bumubulong ng mga kataga sa tenga ng kanyang anak.

Si Lacson, na dating mister ni Jodi Sta. Maria, ay mayroong anak na lalaki, si Thirdy, sa star ng “Be Careful With My Heart”. Inihayag nila ang kanilang paghihiwalay noong Marso 2011 ngunit hindi pa napapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa panayam ng entertainment site Pep.ph, sinabi ni Moto na mismong si Thirdy ang pumili ng pangalang Eve para sa kanyang little sister.

Bago si Lacson, nakarelasyon ni Moto ang aktor na si Leandro Muñoz.

(ABS-CBNnews.com)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top