Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bangs ni Toni, nag-trending worldwide

Bangs ni Toni, nag-trending worldwide

HINDI apektado si Toni Gonzaga na pinaglalaruan ang kanyang makapal na bangs sa social media.

Tinawag na ‘bangs of the Philippines’ ni Alex Gonzaga ang ate niya sa nakaraang semi-final episode ng The Voice of the Philippines noong Linggo, Setyembre 22.

Natatawa na lang daw ang pamilya Gonzaga sa mga nababasa nila sa social media, say mismo ng ina ng magkapatid na si Mommy Pinty.

“He, he, he, he ‘yung hairtstylist niya, binabago lang para may variation para hindi laging ganoon hair niya. Nag-trending worldwide na ‘yung bangs niya, ‘di ba?”

Hindi ba napipikon ang TV host/actress dito?

“He, he, he, I don’t think so, you can’t please everybody if they don’t like, let’s respect it and it’s our prerogative kung ano ang gustong style i-project ng Team Toni, artist siya, eh,” katwiran ni Mommy Pinty sa amin.

Feeling namin ay sinadya talaga ito ni Toni para mapansin siya dahil parating ang contestants ng The Voice ang pinag-uusapan bukod kina coaches Lea Salonga, Apl de Ap, Bamboo, at Sarah Geronimo. (Ganda nga ng bangs ni Toni, bagay naman sa kanya—ED)

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top