Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 32 death toll sa Subic landslides

32 death toll sa Subic landslides

UMABOT na sa 32 katao ang kompirmadong namatay matapos matabunan sa naganap na landslide sa Brgy. Wawandue, San Isidro, Aglao at sa Malaybalay resettlement sa lalawigan ng Zambales

Habang isang 77-anyos lola ang sinbasabing nawawala pa.

Gayonman, unti-unti nang humuhupa ang lagpas-taong baha sa Subic, Zambles matapos ang pagtigil ng malakas na ulan mula kamakalawa ng gabi, pagtitiyak ni Subic Mayor Jay Khonghun.

Nabatid na dakong 1 a.m. kahapon, 100 percent passable na ang mga kalsada sa kanilang lugar.

Gayonman, nananawagan ang alkalde ng relief assistance lalo pa’t hindi na nila pababalikin sa kanilang bahay ang mga nakatira sa mga barangay na may naganap na landslides.

Sa Olongapo City, lubog pa rin sa baha ang 16 sa 17 barangay sa nasabing lugar na isinailalim sa state of calamity.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top