Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 13-anyos na si Teri, tinalo si Nora!

13-anyos na si Teri, tinalo si Nora!

IISANG pelikula pa lang ang napanood namin sa CineFilipino Film Festival  na sadyang nagustuhan namin. Ito ‘yung Ang Huling Cha-Cha Ni Anita na lesbian version ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.

Usap-usapan na tinalo ng isang 13-anyos ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na si Teri Malvar. Deserving naman si bagets at sadyang magaling sa naturang movie. Hindi lang kami makapag-react kung dapat ba niyang talunin si La Aunor sa  Ang Kuwento  ni Mabuti dahil hindi pa namin napapanood.

Kung bagong acting at magaling, para talaga kay Teri ang best actress trophy. Sabi nga ni Ate Guy sa isang panayam, “Hindi ako nag-e-expect sa ganyan dahil ang daming artistang magagaling.”

Deklara naman ni Teri, “I feel surprised kasi I didn’t know that I would beat Nora Aunor… the Nora Aunor, who has been winning awards.But I’ve been praying to God every night that sana I would get the Best Actress award. It’s an answered prayer.”

‘Yun na!

Alden, papasukin na ang politics?!

PUMAPASOK sa utak ni Alden Richards ang politics lalo’t ngayong October ay Baranggay Election na at Sangguniang Kabataan election.

“May mga ganoon pong option, ‘O kaya ‘yung dad mo, Kapitan muna, tapos councilor, tapos try natin’, na pataas ng pataas po ng posisyon.

“Kaya lang ayoko pong i-push kung hindi para sa akin. Hinihintay ko lang po kasi, kung para sa iyo ‘yung isang bagay, makukuha mo ‘yan kahit nakaupo ka lang, eh. So, feeling ko po, kung dumating ‘yung chance na magkaroon ng opportunity to be a politician, I would grab the chance pero as of this point parang mahirap po kasi very dirty. Ang hirap po kasing maging malinis sa isang maruming mundo so, kahit anong… at the same time, risky sa safety ng family, safety ng sarili and masyadong malaking obligasyon din,” deklara niya.

Marumi rin naman ang showbiz.

“Actually. Kasi parang nasa sa iyo rin naman po iyon on how you would react doon sa surroundings mo. Kasi ang tao kasi kahit gaano kalinis po, kahit gaano ka ka-wholesome pagdating sa mga ginagawa mo, parang hirap silang paniwalaan kasi iba ‘yung view nila when it comes to showbiz, when it comes to politics. Number one na pumapasok sa isip nila sa showbiz talagang hindi mawawala ‘yung mga indecent happenings, mga ganoon, tapos the same thing with politics so, mahirap po, eh. Pero, so far masaya po ako sa showbiz and nag-e-enjoy po ako sa ginagawa ko,” sey pa niya.

Ang Turkey Man ay Pabo Rin, loveable movie ni Tuesday

IISA ang reaksiyon sa indie film ni Tuesday Vargas na Ang Turkey Man ay Pabo Rin mula sa direksiyon ni Randolph Longjas. Kaaliw, hindi boring  at mapapagod ka sa katatawa.

Base sa mga reviews, sobrang  loveable raw ang movie na nagpapakita ng mga nakatutuwa at nakaaaliw na kultura ng mga Pinoy. Natural na natural daw ang pagkaka-deliver ng mga punches at talaga raw napakaraming hilarious scenes. But in the end ay napaka-touching daw nito.

Well, for sure ay overwhelmed si Tuesday sa magagandang reviews sa movie lalo pa nga’t ito ang biggest break niya so far.

Say nga niya, talaga raw sobrang thankful niya na pinagkatiwalaan siya ng direktor at producer para sa naturang proyekto.

Talaga raw dinugo rin naman siya nang husto sa pelikulang ito at ibinigay din niya ang lahat ng makakaya.

Kasama ni Tuesday sa pelikulang ito ang American fillmaker na si Travis Kraft bilang kanyang leading man, JM de Guzman, Julia Clarete at marami pang iba.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top