Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Zanjoe, parang 2nd father na kay Andrea

Zanjoe, parang 2nd father na kay Andrea

SEY ni Zanjoe Marudo, pinag-aawayan nila rati ni Bea Alonzo ang oras nila sa isa’t isa. Pero ngayon ay nakapag-adjust na sila at sinasamantala muna ang sunod-sunod na trabaho. Dumarating naman ‘yung time na madalang ang offer at doon sila nagba-bonding.

Kinunan din ng reaksiyon si Zanjoe tungkol sa sex videos ng mga artista. Nalulungkot daw siya para sa mga involved. Basta siya hindi niya ma-imagine at mai-consider na gumawa siya ng sex video  na kasama si Bea.

“Kailangan mo naman talaga igalang ang babae,”  deklara niya. ”Minsan nga, may scenes sa teleserye or sa movie, nako-conscious ako na panoorin ang sarili ko. Lalo na siguro ‘pag pinanonood ko ang sarili ko na mas intimate ang mga eksena,” sambit pa niya.

Anyway, ipinagmamalaki ni Zanjoe ang segment ng Banana Split sa ikalimang anibersaryo nito. Ito ‘yung  Balitang Six Six, na tinatalakay nila ang mga  trending saYouTube. Anim ‘yung hosts at anim din ang ibabalita nila. Bukod dito, kasama rin siya sa primetime show na  Annaliza na hanggang next year daw ito dahil kinakagat ng televiewers.

Sey nga ng bidang si Andrea Brillantes, kahit hiwalay ang parents niya, may pangalawang tatay naman siya sa katauhan ni Zanjoe.

Nakikita na ba ni Zanjoe ang sarili niya na magkaka-baby kay Bea?

“Siyempre naman, hindi naman mawawala ‘yun. Pero darating at darating naman kami roon. Na-realize ko na ang sarap-sarap din na may inaalagaan ka at may minamahal kang bata,” aniya.

Samantala, lalong tumitindi ang  mga eksena sa Annaliza lalo’t madamdamin ang pag-uusap  nina Zanjoe (Guido) at Andrea (Annaliza) matapos  ang aksidenteng mabunyag  ang katotohanang hindi siya tunay na anak ng kinagisnang ama.

Mas kapana-panabik pa ang mga eksena lalo pa’t nabunyag  na kina Isabel (Denise Laurel) at Lazaro (Patrick Garcia) ang katotohanang si Annaliza ang nawawala nilang anak. Ngunit bago iyan, may nakaabang na panganib sa buhay ng bata sa pagbuwelta ni Makoy (Carlo Aquino) sa kanya at sa kanyang pamilya. Ano ang gagawin ni Makoy? Paano magbabago ang lahat sa pamilya ni Guido ngayong lantad na ang pagiging ampon ni Annaliza? Napapanood ito  gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ngABS-CBN.

Muling Buksan ang Puso, may pasabog gabi-gabi

GRABE, hindi namin kinakaya ang mga eksenang napapanood gabi-gabi sa Muling Buksan Ang Puso. Bawat gabi ay may pasabog ang MBAP.

Walang duda na wala pa ring kupas ang kahusayan ni Christopher de Leon. Ang galing-galing niya sa mga eksena with Enchong Dee. It was revealed na si Boyet (bilang Anton) ang tunay na ama ni Leonel (played by Enchong).

Noong una, inakala naming simpleng lider ng sindakato lang ang role ni Boyet. At finally nga ay unti-unti nang nari-reveal ang kanyang tunay na pagkatao.

Revenge rin ang plano ni Anton laban kay Adelina (Susan Roces) at sa buong pamilya nito.

Hay, nakakaloka lang talaga ang MBAP. Last three weeks na lang, pero lalo pa itong tumitindi. Hindi na namin palalampasin ang bawat gabi nito.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top